DRAKE Umalis ako sa condo unit ni Jamilla at umuwi sa sarili kong condo. Matagal na rin akong hindi pumupunta dito, kaya maalikabok na rin ito dahil hindi ko na muling pinalinisan sa cleaner na naglilinis noon kapag wala ako. Ayaw ko kasing may ibang pumasok dito at gumalaw ng mga bagay na ginamit namin ni Jam noon. Everything here is special to me, kaya naka-preserve lahat kahit pa maalikabok na dahil matagal na rin na hindi nalinisan. Tiningnan ko ang ilang portrait ni Jam na nakasabit sa dingding. Nandito pa rin ito nakasabit, maging ang nakalagay na larawan niya sa picture frame at nasa ibabaw ng mesa ay hindi nagalaw. Kahit maalikabok ang kama, umupo ako sa gilid nito at pinagmamasdan ang magandang mukha ni Jamilla sa larawan. Para siyang nakangiti sa akin habang nakatingin ako s

