DRAKE Kumuha ako ng kopya ng marriage certificate namin ng asawa ko. Kakaibang saya ang aking nararamdaman habang nakaupo ako sa loob ng aking kotse at hawak ng aking mga kamay ang papel na nagpatunay ng koneksyon namin ni Jamilla. Nabawasan ang bigat sa aking dibdib at nagkaroon ako ng pag-asa na maaari kong maayos ang lahat sa pagitan naming dalawa ng asawa ko. With the certificate I have in my hand, alam kong hindi magiging madali para maayos ang gusot sa pagitan naming dalawa ni Jamilla, pero may dahilan na ako para lumapit sa kaniya. Tiningnan ko ang oras sa suot kong relo sa aking braso. It's launch hour now, kaya nagmaneho ako papunta sa paboritong restaurant ni Jamilla. Lagi siyang pumupunta doon, and I'm hoping na sana magkita kami mamaya dahil hindi pa ako puwedeng pumunta s

