JAMILLA “If you're done, get out,” malamig na sabi ni Drake sa akin. Nangunot ang aking noo at tuluyang nalukot ang mukha ko dahil nag-init ang aking ulo sa narinig ko. Para akong batang pinagtatabuyan ngayon ni Drake palabas dito sa kaniyang silid, kaya hindi ko mapigilan ang aking sarili na makaramdam ng inis. “Ganito na lang ba tayo pagkatapos ng lahat, Drake?” matigas na tanong ko sa kaniya. “I have nothing to explain to you, Jamilla,” walang emosyon niyang sagot. Nakuyom ko ang aking kamao dahil hindi ko na nagustuhan ang pakikitungo niya sa akin. “Go home, and next time don't use my mother para lang lumapit sa akin.” Natigilan ako at hindi agad nakapagsalita dahil ramdam ko ang bikig sa aking lalamunan. Para akong sinakal, kaya hindi ako makahinga. Kinuyom ko ang aking kama

