JAMILLA Napakaraming pumasok sa isipan ko nang matapos kaming mag-usap ni Ninang Leigh. Matagal rin akong nakatingin lamang sa dingding na kaharap ko dahil nag-iisip ako ng posibleng sasabihin ko kay Drake kapag nagkaharap kami bukas. Dito ako sa silid ko nanatili hanggang sumapit ang gabi. Kung hindi pa kumatok ang katulong namin dahil pinatatawag daw ako ni Mommy para kumain ng hapunan, ay hindi sana ako lalabas ng silid ko. Nadatnan kong nakaupo na sa harap ng hapag-kainan ang mga magulang ko. Agad akong binati ni Daddy nang lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi. “How are you, Jam?” tanong ng aking ama. “I'm fine, Dad,” mabilis kong sagot kasabay ng pag-upo sa upuan na laan sa akin. “Jared, sa tingin ko, kailangan ni Jamilla na matingnan ng doktor,” narinig kong sabi

