JAMILLA “Sa tingin mo ba, walang halaga ang kasunduan natin, Jamilla, at basta mo na lang itatapon ngayon kasi ayaw mo na?” tanong sa akin ni Lolo Sabby. “Lolo, kahit ituloy natin ‘yan, hindi na puwede dahil kasal na kaming dalawa ni Drake,” agad kong paliwanag. Kilala ko si Lolo Sabby. Hindi niya ako pakakawalan kung alam niya na kaya pa niyang isalba ang relasyon na binuo niya para sa aming dalawa ni Leo dahil alam ko na malaki ang pakinabang niya sa akin. “Ako ang nagturo at humubog sa iyo at sa mga kinakapatid mo, Jamilla,” sabi sa akin ni Lolo Sabby. “Alam ko kung anong naglalaro sa mga isipan ninyo, kaya alam ko rin ang lahat ng ginagawa ninyo kahit wala na kayo sa bakuran ko. Sa tingin mo ba, hindi ko alam ang plano ni Drake at makakaligtas sa kaalaman ko na nagpakasal na kayo

