JAMILLA Umalis akong masama ang loob sa bahay ng mga magulang ni Drake. Tahimik akong sumakay sa kotse ni Mommy, pero habang paalis kami, napatingin ako sa itaas na bahagi ng bahay. Nakita kong nasa balkonahe si Drake, kausap ang babaeng kasama niya. Aaminin ko, nagseselos ako sa nakita ko, pero hindi ko ito pinakita kay Mommy, pati na rin kay Ninang Leigh kanina. “Jam, are you okay?” tanong ni Mommy sa akin. “Yes, Mom,” agad kong sagot para hindi na siya mag-alala sa akin. Narinig kong nagpakawala ng magkasunod na buntonghininga ang aking ina. Para bang nauwi siya sa malalim na pag-iisip, kaya naging tahimik si Mommy habang nagmamaneho. “What's the real score between you and Drake, Jamilla?” narinig kong tanong ng aking ina. Napalunok muna ako bago sumagot sa tanong niya. “Why are

