JAMILLA “Why are you here?” Natigilan ako at natulala nang marinig ko ang tanong ni Drake dahil hindi ko ito inaasahang maririnig mula sa kaniya. Nakasuot siya ng roba habang nakaupo sa wheelchair, tulak ng babaeng nakatayo sa likuran niya, kaya para bang may matalas na kutsilyo ang tumusok sa aking dibdib. “If you already forgot how to answer, just get out and don't waste my time,” matigas na sabi ni Drake sa akin. Nawalan ako ng sasabihin. Biglang umurong ang aking dila, kaya hindi agad ako nakapagsalita dahil natulala ako habang nakatingin kay Drake at sa babaeng nasa likuran niya. “Leave my room, Jamilla, and don't let me repeat that again!” pasigaw na utos ni Drake sa akin. This is the first time na sinigawan niya ako. Ramdam ko kung paano nag-ulap ang aking mga mata kasabay

