JAMILLA Pagdating sa bahay, agad kong sinabihan si Cecilia na tawagan si Sofia at kumuha ng appointment para sa akin dahil gusto ko siyang makausap tungkol sa kasalukuyang kondisyon ko. She's a certified doctor. Magaling siyang doktor. Siya rin ang nasa likod ng ginamit kong lason, kaya malaki ang tiwala ko na may magagawa si Sofia para mapabilis ang paggaling ko at makabalik na ako sa normal na takbo ng aking buhay. Hindi ako magmumukmok at iiyak dahil sa ginawa sa akin ni Drake. I'm done crying. Nakita niya akong umiyak at maging mahina sa harap niya, kaya hindi ko na hahayaan na lalo lamang akong mukhang kawawa dahil sa isang lalaki. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago muling nagsalita at kinausap ang aking kanang kamay. “Tell her, I need to see her as soon as

