JAMILLA Nagpasya akong magbakasyon sa hacienda ng lola ko dito sa Bicol dahil maganda para sa emosyon ko kung aalis muna ako sa Maynila. Minabuti kong dito muna manatili habang nagpapagaling pa ako. Pumupunta dito si Sofie sakay ng chopper para suriin kung may pagbabago na ba sa kondisyon ko. Maselan ang naging gamutan ko at hindi ito naging madali para sa akin. Sumabay pa ang emosyonal na stress ko dahil sa nangyari sa amin ni Drake, kaya na-diagnose din ako na nagkaroon ako ng anxiety. Pumayag naman sina Mommy na dito ako tumira sa bahay ng kaniyang ina dahil nakita niya na para akong walang buhay kapag nasa bahay lang ako. Nanonood ako ng balita dito sa sala nang magkaroon ng flash report. Nakita ko ang mukha ni Drake sa screen. Paalis pala siya ng bansa at naging malaking balit

