JAMILLA Gaya ng sabi ni Draven, nakita kong nakaparada sa labas ng lobby ang kotse ni Aidan. Naghihintay siya sa akin, kaya agad akong lumapit sa kotse niya at binuksan ang pintuan sa tapat ng passenger seat. “Saan kita ihahatid?” tanong ni Aidan sa akin. “Sa condo,” tipid at maikli kong sagot. “Alright, sabi mo, e.” Pinasibad na ni Aidan ang kaniyang sasakyan. Tahimik akong nakaupo sa passenger seat at nakapikit, pero hindi naman mawala sa isipan ko ang huling sinabi ni Draven sa akin kanina. Kung gusto ko raw makita si Drake, puntahan ko siya sa China dahil doon na raw siya maninirahan. Hindi ako sumagot, at hindi rin ako nagpakita ng emosyon sa kaniya. Para bang narinig ko ang sinabi ng kinakapatid ko, pero binalewala ko lang ito at minabuting huwag magbigay ng komento. “Alam mo

