JAMILLA Sa pagbalik ko dito sa kompanya, naglabas ako ng bagong memo para sa lahat ng empleyado sa lahat ng departamento. Mabilis kumalat ang kwento sa lahat tungkol sa nangyari sa restaurant kanina, kaya lahat ay nag-iingat na makagawa ng kasalanan dahil alam nila na strict ako at hindi ako nagdadalawang-isip na alisin sila sa trabaho. Hindi ako madalas bumisita sa restaurant noon, pero dahil maaga akong pumasok kanina, dumaan ako doon para mag-order ng kape dahil inaantok pa ako. Wala pa ang secretary ko sa ganoong oras, at siguradong wala pang nakahandang kape para sa akin sa opisina ko dahil matagal akong nawala. Kaya sa restaurant muna ako pansamantalang nanatili, pero hindi maganda ang nangyari. Abala ako sa kaharap kong computer nang pumasok ang secretary ko. May dala siyang pu

