DRAKE Umalis ako ng walang paalam sa aking mga magulang. Sumakay ako ng kotse ko at pinaharurot ito paalis. Agad naman akong pinagbuksan ng mga guwardiya sa gate, kaya nakaalis ako sa bahay na kinalakihan ko. Habang nagmamaneho ako, tumunog ang aking cellphone. Nakita ko ang numero ni Draven sa screen, kaya sinagot ko ang tawag ng kapatid ko. “Magkita tayo,” seryoso ang tinig na sabi ng kapatid. “Saan?” tanong ko sa kaniya. “Dito sa base,” mabilis na sagot ni Draven. “Okay.” Kahit gabi na, nagtatrabaho pa rin ang kapatid ko. Kinabig ko ang manibela at nagmaneho papunta sa malaking building na pag-aari ng pamilya namin sa Quezon City. Ito ang hub ng organisasyon na hawak namin. Dito, makapangyarihan ang pamilya ko at kami ang batas sa lugar na ito. Yumuko ang mga tauhan namin nang

