DRAKE Ramdam ko kung paano umikot ang paningin ko nang tumayo ako, pero kahit nahihilo ako, pinilit kong humakbang palabas ng opisina ni Ninong Jared. Susuray-suray akong humakbang. Ramdam kong nakatingin sa akin si Ninong Jared, pero wala akong pakialam kahit ano pa ang sabihin niya ngayon. All I want right now is to see my wife. Kahit saan ko igala ang aking paningin, ang magandang mukha niya ang nakikita ko. Kahit lasing ako at magaan ang pakiramdam sa aking ulo, nagawa kong makababa ng hagdan. Malayo pa lang, nakita kong nakaupo sa sofa si Ninang Camilla na para bang hinihintay niya ako. “Ah, nandiyan na pala kayo,” narinig kong sabi niya sa akin. Kahit hindi ako lumingon, alam kong nasa likuran ko si Ninong Jared. Sumunod siya sa akin pababa, pero hindi ko siya kinausap. “Anon

