JAMILLA Umaga na at maliwanag na ang paligid nang muli akong magising dulot ng malakas na hampas ng alon sa dalampasigan. Katabi ko pa rin si Drake at nakakulong ang aking hubad na katawan sa kaniyang mga braso. Inalis ko ang braso niya sa aking bewang at bumangon, kipkip ang kumot sa tapat ng aking dibdib dahil bumagsak ito sa tiyan ko nang gumalaw ako, kaya kitang-kita ang hubad na ibabang bahagi ng aking katawan. Mariin akong napapikit at impit na daing ang kumawala sa mga labi ko nang gumalaw ako at inabot ko ang aking T-shirt sa ulunan namin ni Drake dahil nanuot ang kirot sa aking balakang, lalo na sa pagitan ng aking mga hita. Napabuntonghininga ako nang makita kong nagkalat pala ang aming mga damit sa sahig, kaya kahit hirap ako at masakit ang aking kalamnan ay pinilit kong m

