02

1989 Words
Michelle. Omygash, ayan na! Hahalikan na ako ni Jimin mylabs! Waahh! 5 inches  4 inches 3 inches  Waah! Sheett!  2 inches 1 inch---- "Objection your honor!" Langya! Why?!  "Anak, gumising ka na." Rinig kong sabi ni Mama habang niyuyugyug ako. "Mama naman, eh! Ten minutes more!" Sabi ko sa tinatamad at inaantok na tono tsaka tinakpan ang mukha ko ng unan. Huhuhu, panira si Mama ng moment eh. Magki-kiss na sana kami ni Jimin mylabs! Huhuhu! Alam niyo 'yung feeling na ang ganda ganda na sana ng panaginip mo tapos bigla ka nalang gigisingin ng kung sino? Shet! Anshaket no'n besh! "Bumangon ka na d'yan at mag-ayos." Hindi ko parin pinakinggan si Mama at nagpatuloy lang sa pagtulog. Gusto kong ipagpatuloy ang ginawa namin ni Jimin, hehe. Ilang minuto ang lumipas ay wala na akong narinig na salita galing kay Mama. Haist! Mabuti naman at hindi na niya ako binulabog. Ngunit sa kalagitnaan ng aking pagtulog ay bigla nalang akong napabalikwas ng bangon nang may nagbuhos sa akin ng malamig na tubig. “Grr~” Nanginig ako at niyakap ang aking sarili dahil sa lamig. "Michelle Alvarez! Gumising ka na! 7:35 na at 8:00 ang klase mo!"  Napasimangot ako. "Mama naman, eh, ang aga aga sumisigaw ka." Pagrereklamo ko. Tumaas ang isa niyang kilay at nilagay ang dalawa niyang kamay sa kanyang beywang. "Tatayo ka o tatayo? Bilisan mong kumilos dahil malelate ka na sa school." Masungit na saad niya. Mas lalo akong napanguso at napilitang tumayo. "Ma? Asan po si Papa?" Biglaang tanong ko sa kanya. Matagal narin kasi simula noong huli kong makita si Papa. Ano kayang pinagkakaabalahan niya?  Teka nga... Hindi kaya myembro ng sindikato si Papa kaya kami mayaman?! Or nagbebenta siya ng drugs at gumagawa ng mga illegal na gawain?! Omyghad! So kung ganoon jino-joke time lang ako nila Mama at Papa ng itanong ko sa kanila kung anong business nila?! Waaah! Huhuhu. Ang bad nila! Akala ko ba bottling business lang ang meron kami? "H’wag ka ngang mag-isip ng kung anu-ano. Hala, maligo ka na at magbihis."  "Okay, kokey." Sabi ko. Hindi makapaniwalang bumaling si Mama sa ‘kin. "Ano? Ako kokey? 'Wag kang gan’yan anak, baka nakakalimutan mong like mother like daughter?" Napabuga ako ng hangin sa sinabi niya. Excuse me, hindi kaya ako kokey! Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni Mama at pumunta agad sa banyo para maligo. Siyempre! Alangan namang magbasketball ako sa loob, 'di ba?  Pagkatapos kong maligo at magbihis ay dumiretso na ako sa baba. Pagkarating ko sa dining area ay naabutan ko si Mama na umiinom ng kape habang nagbabasa ng dyaryo. Napailing ako. Para siyang si Papa kung umasta. "Good morning, Mom." Bati ko sa kanya. Agad naman niyang binaba ang dyaryo at nginitian ako. "I think sa school ka nalang kumain dahil malelate ka na, magbaon ka nalang ng sandwich. Hurry up! Time is running!" Sabi ni Mama kaya nagmamadali akong kumuha ng sandwich. Teka nga! May oras bang tumatakbo?! Holoooo! Malala na yata 'tong si Mommy! Alam kong baliw ako pero hindi naman ako kasing lala niya, no!  Pagkatapos kong kumuha ng sandwich ay lumabas agad ako ng bahay at tumakbo patungong school. Meron naman kaming kotse eh, pero napagtripan ko lang talaga ang tumakbo ngayon. Mga one kilometer lang naman ang layo ng bahay namin sa school kaya keri ko lang ang tumakbo. Tumingin ako sa aking relo at tiningnan ang oras. Gosh! 7:55 na! Malelate na ako! Hindi ko alam kung pinaglihi ba ako sa kabayo or ano. Ang bilis ko kasing tumakbo eh. Patay talaga ako nito. Terror pa naman ‘yung first teacher namin sa first subject ngayon, huhu. Pero nevermind. Walang dapat katakutan! Aja! Nasa labas na ako ng gate nang napahinto ako. Napakunot ang noo ko habang may pilit na inaalala. Kapagkuwan ay malakas akong napasinghap kasabay ng pagtakip ko sa aking bibig. Binuksan ko ang aking bag at hinanap ang bagay na iyon pero hindi ko makita. Kinapkapan ko rin sarili ko at chineck ang aking uniform, nagbabakasakaling makita ‘yon pero wala talaga. Patay! Naiwan ko I.D ko! Waaah! Napasabunot ako sa aking buhok at dahan-dahang sumilip sa gate ng school kung saan nakatayo ang guard. Nakaharap ito sa mismong daan kung saan kami papasok. Malakas akong bumuga ng hangin at napatampal sa aking noo. Seryoso? Sa lahat-lahat ‘yon pa talaga ang naiwan? Oh, ano na, Michelle? Tutunganga ka nalang, ganern? Aniyooo! Kailangan kong pumasok. Monday ngayon at nakakahiya naman kung a-absent ako, ‘di ba? Tsaka baka magalit si Mommy at Daddy. Hmm. Ano kaya ang dapat kong gawin para makapasok? Tiningnan ko ng mariin ang guard. Para itong robot na hindi gumagalaw sa kan’yang kinatatayuan at diretso lang ang tingin. Hays, hindi ko talaga maintindihan kung bakit ‘No I.D, No Entry’. Pwede naman siguro nilang palitan ’yan ng ‘No bag, No Entry’, ‘di ba? Pahirap pa sila sa buhay naming mga estudyante, eh. Okay lang sana kung maganda ako doon sa I.D pero hindi! Para akong pinagsuklaban ng langit at lupa doon! Eh, paano ba naman kasi, no’ng kikukunan kami ng litrato ay basta-basta nalang ako tinulak ng hayuf kong kaklase. Kaya ayun. Para akong timang do’n sa picture. Medyo nakapikit ang mata tsaka nakanganga pa. Astig, ‘di ba? Isa pa ‘yong photographer na walang paki-alam kung gaano ka pangit ang kuha. Tsk. Photographer ba talaga sila? Kung oo, eh bakit ang papangit namin sa picture? Mga hayuf. Muli akong tumingin sa guard. Hays, bahala na. Kumuha ako ng malaking bato at tahimik ‘yong tinapon sa mesa sa likod ng guard. Nang makita kong nagulat ito at mabilis na tumalikod ay walang pag-alin langan akong tumakbo papasok ng gate. “Hoy! Bumalik ka rito!” Waahh! Takbo lang, Michelle. Kaya mo ‘yaaaan! Patuloy ako sa pagtakbo ng hindi man lang lumilingon. Kahit sa pag-akyat sa hagdan na tig-iisang baitang lang dapat pagtapak ay tinatatlo ko na sa sobrang pagmamadali. Hinihingal akong pumasok sa room at naabutan ang mga kaklase kong nag-iingayan lahat. Teka! Wala si Sir? Hay salamat! Akala ko sa detention room na naman ang tungo ko. Well, wala namang bago eh. Palagi kasi akong late, hehe. Pero teka, bakit kaya? "Oh, Michelle! Andyan ka na pala!" Sabi ni Keisha nang makita ako.  "Ay, hindi, hindi! Hindi talaga ako 'tong nakikita mo, picture ko lang na gumagalaw!" Pamimilosopo ko. Umismid siya sa aking sinabi. "H’wag ka ngang mamilosopo! Tara, cafeteria tayo?" Aya niya.  "Bakit wala si Sir Panot?" Tanong ko. Haha! 'Yan talaga ang tawag namin sa kanya. At tsaka, napaka-sungit no’n! Akala mo may PMS lagi eh.  "May meeting daw kasi lahat ng teachers ngayon kaya, yehey! Nagdiwang ang mga tamad! At isa tayo do’n! haha!" Napapoker face ako sa sinabi niya at agad siyang binatukan. Sinamaan niya ako ng tingin pero tinaasan ko lang siya ng kilay. Chosme! Hindi kaya ako tamad! At tsaka, good girl kaya ako kahit hindi halata. "Let's go, I didn't eat breakfast so I'm hungry," Sabi niya sabay hila sa akin. Napaka-ano talaga netong babaeng 'to. Sarap itapon sa bermuda triangle, eh. Habang naglalakad kami ni Keisha ay napabuntong hininga nalang ako nang bigla kaming hinarangan ng tatlong kababaihan. Si Sheila, ‘yung leader nila, si Melrose at Lalaine, ‘yung mga alipores niya ang tinutukoy ko. Hindi ko alam pero mukha talaga silang mga chakadoll. Kung maka-make up kasi wagas! Parang hindi na sila aabutan ng bukas! "Look who's here. Ugly creatures, eh? Yuck!" Maarteng saad ni Shiela. Mabuti nalang at wala masyadong estudyante dito sa lobby.  "Kung ugly kami, ano pa kaya kayo, ha? Yuck niyo ‘yang mga mukha niyo!" Patol ni Keisha. "Abah! Sumasagot ka na sa amin ngayon ha!" Sigaw ni Melrose. Abno ba siya? Malamang sasagot talaga 'yan kasi may bibig. "Eh ano naman ngayon? Hoy, anak ni kengkoy na kamukha ng shokoy, pwede bang tigil tigilan niyo na kami?" Hindi ko alam kung matatawa ba ako or ano sa sinabi ni Keisha. Masyado 'yong harsh ah. "Hayaan nalang natin ‘yang mga shokoy na ‘yan, Keisha. Kumain nalang tayo, gutom na ako eh. Hindi pa ako nakapag-breakfast kanina kasi late na ako." Sabi ko. "Sige, pero hayaan mo munang gawin ko 'to." Katakot naman nitong si Keisha. Ano na naman kaya ang binabalak nitong bruha na' to?  Akmang sasampalin na sana ni Shiela si Keisha ngunit nagulat nalang kami nang maligo na si Shiela ng napakaraming tubig kasama ‘yung mga alipores niya.  "Let's go, best." Hindi na ako nakapalag dahil hinila na ako ni Keisha patungong cafeteria. But, one thing caught my attention... She smirked. Siya kaya ang may kagagawan no’ng bagay na 'yon? Pero paano? May powers rin kaya siya kagaya ko? Well, oo, may powers ako pero hindi ko ito ginagamit maliban nalang kung magti-trainning ako kasama sila Mom and Dad. At tsaka, gumagamit din ako ng contact lens para walang makaalam ng tunay na kulay ng aking mga mata. "Ako nalang ang mag o-order. Anong gusto mong kainin, best? Treat ko." Sabi niya nang makarating kami sa cafeteria. "Thanks, but no thanks. May dala naman akong sandwich eh." Sabi ko sabay pakita nung lunch box ko. "Any drinks?" "Well, I'm fine with pineapple juice." Sabi ko at umupo na sa pwesto namin, oo pwesto namin. Maganda kasi dito sa pinakasulok na pwesto sa cafeteria, at nasa right side pa namin 'yung bintana na kapag tumingin ka, makikita mo dito ang buong garden ng campus. Nang maka-alis si Keisha ay napaisip ako. Totoo naman siguro ang nasaksihan ko kanina. Hindi naman ako bulag para hindi makita 'yong tubig na lumabas mismo sa mga palad niya. Pero paano nangyari iyon? Paano siya nagkaroon ng kapangyarihan? Napailing nalang ako at kinuha sa lunch box ang sandwich na baon ko. Hindi nagtagal ay dumating rin si Keisha dala ng mga inorder niya. Hindi kami masyadong nagtagal sa pagkain. Pagtapos ay napag-desisyonan muna naming maglakad lakad muna sa campus, tutal wala namang klase. Nandito kami ni Keisha sa garden ng school, nakaupo sa isa sa mga benches, nagpapahangin. Kakatapos palang kasi ng first periodical exam namin no’ng makaraang araw kaya sabog parin ang mga utak namin. Ang hirap kaya no’ng exam, ang sakit sa ulo. "Nalalapit na ang araw." Bulong ni Keisha pero sapat na upang marinig ko. "Anong nalalapit na ang araw?" Naguguluhang tanong ko. "A-ah w-wala! H'wag mo nalang pansinin yung sinabi ko." Sabi niya habang nagha-hand gestures pa na wag. Tsk, kilalang kilala ko na siya.  "Hindi mo ako maloloko. Simula no’ng pumasok ka dito sa school, may na-sense na akong kakaiba sa'yo at hindi nga ako nagkamali. We're different compare to others." Sabi ko at tinitingnan siya ng diretso sa mata. "So, you mean... you also have powers?" Tanong niya. "Yeah," simpleng saad ko at pinahangin ng katamtaman ang paligid. "Air user?" Tanong niya. Tumango ako. "Makakagawa pa ako ng ibang bagay maliban d'yan." Sabi ko na siyang ikinanuot ng noo niya, pero nginitian ko lang siya. "Akala ko ako lang talaga ang naiiba dito, pero nagkamali ako. I used to hide it for a long time para walang makaalam, pero nang dahil lang sa mga shokoy na 'yon, nabunyag tuloy ang sikreto ko. Pasenya na kung nagsinungaling ako sa’yo, para lang naman kasi ‘yon sa kaligtasan ko, eh, sabi ni Mommy. Pero nalalapit na ang araw kung kailan kailangang ko ng pumunta sa mundo kung saan ako nababagay. Masyado na daw kasing delikado dito sa mundo ng mga normal na tao." Sabi niya. "K." Walang ganang sabi ko. "Grabeh, ang haba ng sinabi ko pero 'K' lang ang sagot mo?" "Why? Do you want more?" "Hindi, I mean, kailan mo nalaman na may powers ka pala?" Tanong niya. "Childhood days." I answered then shrug my shoulders. "'Yon lang ba ang sasabihn mo?" Takang tanong niya. "May gusto ka pa bang malaman?"  "Alam mo, matagal na rin kasi tayong magkakilala pero masyado kang misteryoso para sa akin. Maliban sa pagiging moody mo ay wala na akong ibang alam pa sa'yo." Sabi niya. "Lahat ng tao ay may sekretong tinatago, and the best way to hide it is to act normal and natural like what people used to do in their daily life. If hiding secrets will keep a person safe, then that person will do it without hesitation. Nabibilang na tayo sa panahon kung saan ang mundo ay puno ng kadismayahan at ang mga tao ay puno ng kasinungalingan, Keisha. Hindi mo alam kung sino ang mga totoo at sino ang hindi. So the best thing you can do to youself is to never trust anyone easily.” ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD