Third Person's POV
Masayang tinitingnan ng Mahal na hari at Reyna ang kanilang anak na babae. Kapapanganak palang ng Reyna nung isang buwan kaya hindi pa gaanong malakas ang kanyang pangangatawan.
"Ang iyong anak ang pinakamalakas dito sa mundo natin kung kaya't alagaan at bantayan niyo siya ng mabuti dahil paniguradong kukunin siya ng iyong mga kaaway." Sabi ng pinagkakatiwalaang tauhan ng hari na si Mira.
"Hindi ko hahayaang makuha siya ng mga kalaban, mamamatay muna ako bago mangyari 'yon." sabi ng hari habang tinitingnan parin ang kanyang anak na babae. Nilagay niya ang buhok ng reyna sa likod ng kanyang tenga at nakangiting pinagmamasdan ang kanyang mag-ina. Para sa kanya, ito na ang pinakamagandang imahe na kanyang nasaksihan.
Sa gitna ng pag-uusap biglang nabahala ang mga taong nasa loob ng silid dahil sa narinig na pagsabog.
"Mahal na Hari! Nilusob po tayo ng mga kalaban dito kaya maaaring tumakas na kayo para hindi kayo masaktan!" sabi ng isa sa mga kawal ng hari na kakapasok pa lang sa silid.
"Tutulong ako sa inyo, hindi ko hahayaan na wala akong gagawin para lutasin ang problemang ito." sabi ng hari habang tinatanggal ang kanyang kwintas at binigay sa prinsesang mahimbing na natutulog. Nagulat ang Mahal na reyna sa ginawa ng hari dahil mahalaga sa kanya ang kwintas na yun at maaari lang itong ibigay sa kanyang anak bilang pamamaalam.
"A-anong ginagawa mo?" Tanong ng reyna sa kanya pero ngumiti lang ng nakakalungkot ang hari.
"Iligtas mo ang anak natin, wag mong hahayaang makita siya ng mga kaaway." sabi ng hari at kumuha ng espada sa isang secretong pintuan na puno ng mga armas.
"Hindi ko hahayaang lumaban ka mag isa, tutulong rin ako!" sabi ng reyna, pero bago pa ito makatayo ng tuluyan ay hinawakan ng hari ang kanyang balikat.
"Ayos lang ako, magiging okay din ang lahat. Iligtas mo nalang ang anak natin dito."
Tiningnan siya ng Reyna. "Pakiusap, alam kong obligasyon mo ang protektahan ang ating bayan, pero ako ang asawa mo, may layunin rin ako." Saad nito.
"Mahal na hari, nakapasok na po ang mga kalaban sa palasyo." Hinihingal na saad ng isang kawal.
Lumingon sandali ang hari dito at binalik sa kanya ang tingin. Bumuntong hininga ito. "Mahal ko, iligtas mo muna ang anak natin sa kaguluhang ito." Sambit nito sa mababang tono.
Naramdaman ng Reyna ang pag-agos ng luha sa kanyang mga mata na agd namang pinunasan ng hari. "Saan ako makakatakas?" Tila napipilitang saad ng Reyna. Kahit anong pilit nitong lumaban kasama ang asawa ay wala pa rin siyang magagawa. Kaligtasan ng anak nila ang mas importante kaysa sa lahat, dahil alam nilang 'yon lang ang sadya ng mga kalaban kaya sila sumugod sa palasyo.
"Natatandaan mo ba kung saan ang pinagbabawal na silid?" Tanong ng hari at tinanguan lamang siya ng mahal na reyna. "Pumasok ka do'n at gumawa ka ng portal patungo sa bayan ng mga normal na tao. Wala nang natitira pang paraan kundi 'yon lang. Kung kaligtasan rin naman ng anak natin ang importante, mas makakabuti kung dalhin mo siya dun. Wag kang mag-alala, naghihintay na dun sina Edward at Jira," agad na lumabas ang hari matapos niyang sabihin yun.
Kailangan nitong tulungan ang mga kawal sa pakikipaglaban dahil ayaw niyang pinoprotektahan. Hindi siya naging isang hari para sa wala. Tungkulin niyang protektahan ang mga taong nasasakupan niya at isa na dun ang pakikipaglaban.
Kahit nagdadalawang isip ay tinupad parin ng reyna ang sabi ng hari sa kanya at nagtungo kung saan yung silid. Nang makapasok ang reyna ay gumawa agad ito ng portal at pumasok sila ng kanyang anak na babae doon. Pagkalabas nila ng portal ay agad lumapit ang mag-asawa sa kanila at inalalayan ang reyna. Bakas sa mukha niya ang pag-alala at kagustuhang samahan ang asawa niya sa pakikipaglaban.
Pagod at pag-aalala. Halo halo ang nararamdaman ng reyna habang bitbit ang kanyang anak na babae. Kasalukuyan silang naglalakad sa isang mapunong lugar na tila walang katapusan.
"Alam po naming nag-aalala po kayo sa asawa niyo, mahal na reyna, pero kailangan po natin siyang sundin. Para sa kaligtasan ng lahat at ng prinsesa," sabi ni Jira. Tiningnan siya ng reyna gamit ng kanyang malungkot na expresyon.
"Isa akong reyna pero wala akong magawa para tulungan at protektahan ang aking nasasakupan," Naiiyak at mahinang saad ng mahal na reyna. Nakayuko lang ito at nakaramdam ng matinding panghihinayang.
"Kung sakaling babalik po kayo sa palasyo, wag na po kayong mag-alala sa mahal na prinsesa. Inutusan po kami ng hari na mag-alaga sa kanya at palakihin siya ng maayos," napatingin ang reyna kay Edward nang sabihin niya ang mga katagang yun. Nanaisin ng reyna na bumalik sa palasyo ngunit nagdadalawang isip siya. Kaya niya bang mahiwalay sa nag-iisa niyang anak?
"Palalakihin po namin siya ng maayos," ani ni Jira. Napatingin ang reyna sa kanyang anak na babae na natutulog ng mahimbing.
"Pagsanayin niyo siya gamit ng kapangyarihan niya at tulungan itong kontrolin. Ibalik niyo siya sa mundo natin pag dumating na ang tamang panahon," sabi niya at binigay ang bata sa mag-asawa bago lumisan.
"Masusunod po," sabay na bigkas ng mag-asawa at nagkatinginan.
***