KAPITOLO 7: BAGO

1831 Words
Alas nuebe na ng gabi ngunit hindi pa rin dinadalaw ng antok ang munting heradera ng Rimas. Hanggang ngayon ay naglalaro pa rin sa kanyang isip ang tanong kung bakit hindi siya sinipot ni Edgardo noong isang araw. "Hindi naman siguro natukoy nina Ina ang balak ko? O baka nalaman nila na kaibigan ko si Edgardo? Kinausap kaya nila ang pamilya nito?" Kanina pa niya tinatanong ang sarili, pilit na hinahanap sa abot ng makakaya ang sagot sa mga ito. "Senyorita? Bakit hindi ka pa natutulog? Lunes na bukas,, maaga ang iyong pasok." Natigilan siya saglit noong marinig ang boses ng kanyang Yaya ngunit hindi ang pagpasok nito sa kanyang silid. "O-Opo. Matutulog na po ako, Nanay Badeth,","Iniisip mo na naman ba ang nangyari noong Sabado? Baka naman may ginawang mas importante ang kaibigan mo. Wag ka nang masyadong mag-alala. Paniguradong kakausapin ka niya kung itinuturing ka niyang tunay na kaibigan." Ngumiti si Aquilina kay Badeth ngunit maikli iyon." Panigurado po iyan. Maghihintay na lamang akong makita siyang muli. Paumanhin kung kayo po'y napag-alala ko. Maraming salamat po sa tulong ninyo," wika nito. Inayos ni Badeth ang kumot ng kanyang alaga at hinagod ang mahaba nitong buhok. "Walang anuman, Senyorita. Oh, siya ikaw ay pumikit na. Lalabas na ako, inaasahan kong matutulog ka na. Wag nang isipin ang bagay na iyon, maliwanag? " "Opo." CRISCENTIA "I don't want this color! Hindi ba't sinabi ko na sa iyong gusto ko ng kulay rosas?! Magmadali ka! Hanapan mo ako ng bagong ribbon!" Kanina pa ako nakaupo, nakaharap sa salamin. Kinausap ako ni daddy na dumating na ang anak ni Don Dante Valencio na si Basilio. Hindi ko pa ito nakikita, ngayon pa lamang. Kaya ginagawa ko ang lahat upang maging mas presentable ako ngayong araw para sa kanya. "Hindi ako papayag kapag hindi magandang lalaki 'yong Basilio na 'yon. Tsss! Yaya! Nasaan na?! Anong oras na mahuhuli na ako! Simpleng ribbon lang hindi mo kaagad mahanap?! Napaka-walang silbi!" sigaw ko. Maagang umalis ang aking mga magulang, marahil ay makikipagkita sila sa mag-asawang Valencio para sa bago nilang negosyo. Sana'y magtagumpay sila't lumago nang mabilis ang kanilang gagawin nang mapatalsik na ang mga Rimas na iyon. Mayaman nga sila, ngunit galing naman iyon sa masama. "S-Senyorita. Paumanhin po ngunit w-wala po akong mahanap na kulay rosas na ribbon. M-Magpabili ka na lamang po sa inyong ama. A-Ako na lamang po ang magsasabi." Sinamaan ko ng tingin ang katulong na nakaluhod sa gilid ko. Tumayo ako at hindi nag-alangan na sampalin ang kanyang mukha. Gulat ang kanyang mga mata noong iangat niya ito. Bakit? Sa tingin niya, dahil bata ako, wala na akong karapatang maliitin ang isang katulad niya? "Alis. Lumayas ka sa bahay namin dahil wala kang silbi." "P-Pero, Senyorita! Tunay na wala kayong k--" Muli ko siyang sinampal ngunit mas pinili niyang magtimpi dahil iyon ang nararapat. Kumapit ito sa laylayan ng aking bistida, tumatangis habang paulit-ulit na nagmamakaawa. "Wala ka na ngang silbi, bingi ka pa. Sabi ko lumayas ka sa pamamahay namin ngayon din! Bilisan mo kung ayaw mong ipakaladkad pa kita! Maring! Yaya Maring!"  Dali-daling pumasok ang mayor doma na pinagkakatiwalaan ni daddy. Itinuro ko sa kanya ang nakaluhod na katulong at mula roon alam na niya ang gagawin. "Nasa labas na ho ang inyong sasakyan, Senyorita," wika nito. Lumapit siya't hinila ang buhok no'ng babaeng nakahawak sa aking bistida. "Kapag tinanong ni daddy kung nasaan 'yan, sabihin mo pinalayas ko. Hanapan niya ako ng matinong pamalit kay Mildred! 'Yong may utak! Mabilis kumilos at hindi marunong sumagot pabalik!" "Makakarating po, Senyorita Criscentia." Kinuha ko na ang ribbon na kulay asul. Hindi ko man ibig ang kulay nito ngunit wala na akong oras upang maghanap ng bago. "S-Senyorita! Pa-Patawarin niyo po ako! Parang awa niyo na! May mga kapatid po akong sinusuportahan! Senyorita!" Hindi ako nakinig sa kanyang palahaw dahil sino siya para pakinggan? Ang sabi ng aking ama't ina, wala akong dapat na sundin kung hindi ang sarili ko lang na kagustuhan. May mataas ako sa kahit na sino, kahit sa Aquilina na iyon. Tss! May araw rin siya sa akin. Ngayong makikita ko na ang aking fiance, may kasama na ako para pahirapan siya. "Pakibilisan. Mahuhuli na ako," utos ko sa drayber noong makapasok na ako sa sasakyan. "Masusunod po," magalang nitong sagot. Huminga ako nang malalim. Inayos ko ang buhok kong hindi natapos dahil sa bwesit na katulong na iyon. Ang kaso, hindi ko na itinuloy at napag-isipang sa silid aralan na lang gawin dahil malubak ang daan. Hindi naman malayo ang lalakbayin namin dahil sinunod naman ng drayber ang aking utos. Halos tatlong minuto lang ang inilagi ko sasakyan at nakarating na rin kami kaagad sa tapat ng paaralan. Sa buong baryo, ito lamang ang nag-iisang pribadong mababang paaralan. Hindi gaano karami ang nag-aaral dahil kakaunti lang naman ang may kakayahang magbayad nang malaking matrikula. "Mag-iingat po kayo, Senyorita," aalam ni Manong Baji. Hindi ko ito tiningnan man lang o sumagot pabalik. Pumasok na ako kaagad sa tarangkahan ng paaralan. Unang sumalubong sa akin ang malawak na lupa. Sa bandang kaliwa, may groto kung saan tuwing Byernes ng umaga ay nananalangin ang lahat ng mga mag-aaral. Sa kana naman ay may mga iba't ibang palaruan. May duyan, seesaw, at iba pa.  Pumasok na ako sa malaking pinto, nilakad ang makinis na pasilyo patungo sa silid aralan.  "Senyorita Criscentia!" malakas na tawag ni Carmela. Tiningnan ko lang siya saglit ngunit dumire-diretso ako at tinungo ang aking upuan. Sinundan niya ako tapos ibinalandra sa akin ang kanyang mukha na may sabik na ekspresyon. "Ano?" walang buhay kong tanong. "May bago tayong kaklase ngayong araw! Nagbuhat daw siya sa Amerika!" Kumunot ang noo ko dahil baka si Basilio ang kaniyang tinutukoy. "Kanino mo naman iyan nalaman? Masyado kang chismosa, pagkaaga-aga, Carmela," wika ko. Bago ito makasagot, tiningnan muna namin pareho ang pagpasok ni Aquilina at ni Mildred. Simula noong kunin ng kanyang ina ang utusan ko, lagi na silang magkasamang dalawa. Well, pareho silang takot kaya para silang tuko na hindi mapaghiwalay. Sinamaan ko sila ng tingin noong gumawi sa amin ang kanilang mata. Dahil santo kung umasta si Aquilina, ngiti lamang ang isinukli nito't hindi gumanti. Tsss, Paniguradong mapapagod din siya sa pagpapanggap, sinisigurado ko iyon. Itutulak ko ang knayang pasensya sa hangganan at gagamitin iyon upang malugmok siya sa kahihiyan. Ipapakita ko sa taong dumadaloy sa kanya ang pagka-mamamatay-tao nilang ugali.  "Umupo ka na sa iyong upuan, Carmela, tumunog na ang kampana," utos ko. Sumunod naman ito kaagad at nawala na rin sa wakas sa aking paningin. Pumasok na ang aming guro ngunit hindi sa kanya nakapukol ang atensyon ng lahat kung hindi sa kasama nitong lalaki. Matangkad, maganda ang mukha, maputi at nag-aagaw na kulay kayumanggi at itim ang buhok nito. Nagtama ang aming mga mata, sa hindi maipaliwanag na dahilan kaagad kong iniwas ang aking tingin. Itinago ko ang aking mukha sa lamesa, bahagya itong sinipat. Nag-iinit ang aking pisngi, ano itong dagang naglalaro sa aking dibdib? "Magandang araw sa inyong lahat. Bago tayo magsimula sa ating aralin, nais ko munang ipaalam sa inyo sa simula ngayong araw, makakasama ninyo ang bago niyong kaklase. Siya si Basilio Valencia. Pamilyar naman sa inyong lahat kung saan siya nagbuhat hindi ba? Munting ginoo, hinahayaan kitang pumili ng iyong upuan." Noong marinig ko ang sinabi ng aming guro mas lalong bumilis ang t***k ng aking puso. Ngayon ko lamang ako nakadama ng ganitong klaseng pagkasabik. Hindi lamang ako ang taningin nilalang na nabighani sa kagwapuhan ni Basilio. Ngunit wala akong paki sa kanila sapagkat, siya ay nakatakda para sa akin, at sa akin lamang. Hahayaan ko silang maglaway ngayon, mamaya ko na sila papatayin sa inggit. "Ma'am, gusto kong maupo sa tabi niya ngunit may nakaupong ibang tao." Lumingon ako dahil nakalampas na pala ito sa akin. Kakaunti lamang ang bakanteng upuan at puro iyon sa harapan.  "Anong ginagawa niya sa tabi ni Aquilina?!" gigil kong bulong habang pinagmamasdan silang magkakatitigan.  Nagkita na ba sila? Nagkita? Imposible! Kahapon lamang dumating si Basilio galing Estados Unidos! BASILIO Bago ako pumasok ngayong araw, kinondisyon ko na ang aking sarili na iwawaksi at kakalimutan ang nangyari kahapon. Akala ko handa na ako, ngunit noong makita ko siya at mapagtantong pareho kami ng section, gumuho sa aking harap 'yong pinaghandaan ko. Tila may sariling buhay ang aking mga paa, nilapitan ito nang hindi nag-iisip. Tumigil ako sa kanyang gilid, nakipagtitigan sa maganda niyang mata. Hiniling ko sa aming guro na nais kong maupo katabi siya, mabuti na lang at pumayag ang babae't nagparaya. "Magandang umaga," mahina niyang bati noong makaupo na ako. Hindi ako kumibo. Itinuon ko ang aking atensyon sa unahan dahil magsisimula ng magturo ang aming guro. Hindi ko intensyon na hindi siya pansinin, sadyang naiirita lang ako sa titig no'ng isang babae na nasa unahan. Kanina pa siya nakatingin sa akin, hindi ba sumasakit ang kanyang batok?  "Sungit," rinig kong bulong nito. Sinilip ko siya ngunit mabilis lang iyon. Nagulat ako dahil nakatingin pa rin pala siya sa akin. Ngumiti siya nang napakatamis. "My name is Aquilina Rimas. You came from the US, right? Nice meeting you, Basilio Valencio." "R-Rimas?" hindi makapaniwala kong tanong. Walang pag-aalinlangan itong tumango, pagkatapos no'n ibinalik na niya ang tingin sa harapan. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nalungkot noong malamang hindi siya si Criscentia, ang magiging kasintahan ko. Umaasa pa naman ako kagabi, hindi nga ako nagkamali, siya'y anak mayaman, nagbuhat sa pinakamarangya at pinakamakapangyarihang pamilya sa Baryo Milagrosa, ang mga Rimas. Kahit noong nasa States pa lang ako, bukambibig na ni dad kung gaano siya naiinis sa mag-asawang Rimas. Kung paano nila kunin nang walang kahirap-hirap ang mga bagay na pinaghihirapan namin nang sobra.  "Senyorita Aquilina, maaari mo bang ibahagi ang iyong libro kay Senyorito Basilio? Mamaya pa lamang siya magkakaroon ng libro kaya kung ayos lamang sa iyo, magsalo muna kayong dalawa." "Opo," mabilis nitong sagot. Tumayo ito nang bahagya upang iusog ang upuan palapit sa akin, pati ang mesa nito. "Nababasa mo ba nang maayos?" tanong nito. Hindi pa rin ako kumibo at hinayaan lamang siya. Mahigpit na kabilin-bilinan ni Ama na hindi ako maaaring makipagkaibigan o makipag-usap sa isang katulad niya dahil siya ay nagbuhat sa kalaban naming pamilya. "Wag kang mag-alala, kung nagbuhat ka sa pamilya ni Don Dante Valencio, paniguradong iniisip mo na magkalaban tayo. Hindi na ako magtataka at hindi na rin ako nagulat sa asal mo. Gayunpaman, ikinagagalak kong makilala ka, Basilio. Hindi kita itinuturing na kalaban o kakumpetensya. Hindi ako tumitingin sa apelyido ng tao o kung sa katayuan man nito. Dahil sa aking mga mata at sa mata ng Diyos, mahirap o mayaman, pare-pareho lamang tayong tao, hindi ba?" Habang sinasabi niya iyon para akong dinuduyan nang banayad na hangin. Base sa tono ng kanyang pananalita, halatang pinalaki siya na ang yaman ay mabuting asal. Ibinalik niya ang mata sa pahina ng libro at sinusundan kung saan na ang aming guro. Samantalang ako, naiwang nakatulala sa mala-anghel niyang mukha. 'That's unfair, Aquilina...'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD