KAPITOLO 6.9

1119 Words
BASILIO "Nakikinig ka ba sa sinasabi ko, Basilio? Hindi ka na pwedeng tumakas ngayon dahil alam mo kung saan ka pupulutin. Bukas na bukas din ay sa Milagrosa Central school ka na mag-aaral. Nandoon din ang kasintahan mong si Criscentia k--" "Dad. Seryoso? Hindi pa rin kayo tumitigil sa bagay na iyon? I'm too young to have a fiance! At saka hindi ko pa nga nakikita ang babaeng 'yon, pinagdidiinan niyo na siya sa akin!"  I wanted to get out of this house.   "Ibalik niyo na lang ako sa US. Ayaw ko namang umuwi rito sa Pilipinas bakit ba isinama-sama niyo pa ako? At ang usapan bibisita lang ako, bakit lilipat ako ng ibang school?" pagdadabog ko dahil hindi sila naging matapat.  Huminga nang malalim si Dad, mukhang naiinis na siya dahil kanina pa ako ngumangawa. "Nandito ka ngayon dahil gusto kang makita ng mga Alvarado. Ipinagmamalaki kita sa kanila sa tuwing magkikita kami ni Crisanto. At saka, anak. Baka nakakalimutan mo, ikaw lamang ang inaasahan ng pamilyang ito na mag-aangat sa ating estado. Hindi na tayo ang nangunguna sa baryong ito, kung hindi ang mga Rimas! Ang kabuteng iyon na bigla na lamang umusbong. Tss, bakit ba hindi napansin ni Alvarado ang kanilang biglang pag-asenso at hindi kaagad gumawa ng aksyon!" Umiling na lang ako't lumabas ng bahay dahil wala akong mapapala sa sinasabi ni Dad. Masyado siyang lulong sa kaisipan ng kapangyarihan. Ang nais niya, manatiling nasa itaas, tanging ang pamilya lang namin ang nirerespeto't iginagalang. Noong maungusan siya ng mga Rimas, ginugol niya ang lahat para maibalik sa dati ang lahat ngunit hanggang ngayon ay bigo siya.  Kaya ginagamit niya ako ngayon upang ipagkasundo sa anak ni Don Crisanto para gamitin ang pamilya nila bilang tuntungan paitaas. Tsss... Nahihibang na siya. "Ricardo! Pakihatid na 'yang si Basilio sa bago niyang lilipatang paaralan nang hindi naman nababagot dito sa bahay. Kahit abutin kayo ng gabi, walang problema. Sundin mo na lamang ang ipinag-uutos niya, maliwanag?" "Makakaasa po kayo, Don Dante."  "Basilio!" tawag ni Dad ngunit hindi na ako lumingon. Magsasalita pa rin naman siya kahit wala akong gawin. "Wag nang matigas ang ulo. Tandaan mong ginagawa ko ang lahat para mabawi ang dapat na sa atin. Para sa kapakanan mo ito, para sa kinabukasan mo." 'It is more like, para sa iyo...' Binigyan ko siya ng okay sign tapos naglakad na patungo sa sasakyan. Tanghaling tapat, pinapalayas niya ako a bahay. Anong gagawin ko sa paaralang iyon?!  Binaybay namin ang mahaba at lubak na daan. Kumpara sa Estados Unidos, masyadong maraming puno rito sa baryo Milagrosa. Hindi rin maayos ang kalsada at halata ang kahirapan. Ang maganda lang dito, hindi malamig at sariwa ang hangin.  "Tsss, boring," bulong ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Tahimik ang byahe namin. Pagkalipas ng sampung minuto, tumigil na ang sasakyan, pagtingin ko sa gilid, natanaw ko na ang tarangkahan ng paaralan. Bumaba na ako't gano'n din si Ricardo. "Senyorito Basilio. Mauuna muna po ako. May pinapabili po kasi ang inyong ama, babalikan ko po kayo kaagad." "Hindi na kailangan. Magliliwaliw muna ako sa paligid. Balikan mo na lang ako bago lumubog ang araw," wika ko. Sinipat ko ang mukha niya. Nagdadalawang-isip ito kung makikinig sa akin, ngunit kalaunan ay pumayag din siya. "Sige po. Mag-iingat po kayo." Pumasok na muli ito sa sasakyan tapos mabilis na pinaandar ang sasakyan. Imbes na tumuloy sa loob ng paaralan, inilibot ko ang aking mata. May natanaw akong burol sa kabilang dako. Dala ng kuryosidad, minabuti kong puntahan iyon sa kadahilanang mukhang maganda ro'ng magpahinga at magpalipas oras. Sakto, kahit tirik ang araw, mahangin. Tumawid ako't dahan-dahang naglakad. Mga dalawang minuto rin ang ginugol ko bago makarating sa kalahati. Sinapo ko ang dalawa kong tuhod dahil sa pagod. Akala ko mababa lamang ang burol, ngunit nagkamali ako. Pagkarating ko sa tuktok, nalaglag ang aking panga dahil sa tanawing nakita. Patag na palayan, sumasayaw ang mga iyon sa agos ng hangin. Naglakad pa ako paunahan, kaso bigla ring tumigil dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Isang nilalang ang tahimik na natutulog sa lilim ng puno ng mangga. Base sa kanyang kasuotan, paniguradong anak mayaman din siya katulad ko. Dahan-dahan akong umupo, tumabi sa kanyang kinauupuan. Inayos ko ang sumbrero nito dahil nakaharang ito sa kanyang mukha, baka mahirapan siyang makahinga. Hindi ko aakalaing hindi na pala mahigpit ang pagkakabuhol ng tali ng sumbrero, kaya noong galawin ko iyon, bigla na lang itong dinala ng hangin palayo. Tumayo ako kaagad at hinabol iyon. Mabuti na lamang at hindi na iyon gumulong sa pinakaibaba dahil naagapan ko ito kaagad. Pagtalikod ko upang ibalik sa kung sinong nilalang ang sumbrero nito, nalaglag muli ang aking panga. Hindi ko alam kung anong tawag sa nangyayari sa akin ngayon, ngunit noong makita ko ang kabuuang mukha ng babae, para akong nahipnotismo. Tila tumigil ang oras sa paligid, pati ang hangin.  Maliban sa tanawin, may mas maganda pa pala akong makikita. Lumapit akong muli. Hindi mawaglit ang aking paningin sa mala-anghel nitong mukha. Hindi ko alam kung uupo ako sa tabi niya ngunit mukhang nakakapagod ang kanyang pwesto. Lumunok ako ng laway, tinatangka kong tumabi upang tulungan ito. Inalis ko ang platik sa kanyang tabi. Mabuti na lamang noong pag-upo ko, saktong nalaglag ang kanyang ulo. Para akong binuhusan nang malamig na tubig dahil sa gulat. Maingat kong iniatras ang noo niya upang hindi mahulog paunahan. Masyadong malakas ang bayo ng hangin kaya hindi ko tinanggal ang aking kamay sa pagkakahawak, patuloy ang pagsuporta. Ilang minuto ang lumipas at hindi pa rin nagigising ang babae. Sinipat ko ang aking relo at mag-aala una na pala. Muli kong sinilip ang mukha nito na kaagad kong pinagsisihan. Inilapat ko ang isa kong kamay sa aking dibdib habang ang isa ay sa mukha. "What is this...it hurts," bulong ko. Pakiramdam ko aatakihin ako sa puso. Siguro, tunay siyang anghel, mamamatay na ba ako kaya ko siya nakita? Totoo ba siya? Baka guni-guni ko lamang itong lahat. Pero imposible. Nahahawakan ko siya at nabibigatan din ang balikat ko. "Wake up...please wake up," bulong ko.  Nilamukos ko ang aking mukha sapagkat hindi ako ganito. May fiance na ako at hindi ako pwedeng mapalapit sa kahit sinong babae. Pero kahit gano'n pa man, kahit pangalan niya lang, malaman ko lang iyon, sapat na sa akin. Naglakas-loob akong ihilig ang ulo sa ibaba ng kanya. Hindi nama siguro siya nabibigatan dahil kung oo, gagalaw siya't magiging. "Puyat ka ba? Sinong hinihintay mo? May kasin-" Tama... Kung anak mayaman siya, malamang sa malamang katulad ko, may nakatakda na rin sa kanya. Noong mapagtanto ko iyon, kaagad kong itinakwil ang naramdaman ko kanina.  "G-Ginagawa ko lang ito d-dahil naaawa ako sa iyo," wika ko kahit na hindi naman niya ako maririnig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD