KAPITOLO 16: TAKAS(2)

1451 Words

MILDRED Natapos na naman ang araw naming hindi pa rin nalulutas ang problema. Hanggang ngayon ay wala pa ring malay si Aquilina. Napagpasyahan namin ni Basilio na magpahuli sa paglabas para walang makakita sa amin. Natatakot kami na baka tambangan kami ng mga mag-aaral na may galit sa Senyorita. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyayari. Wala namang ginawang masama si Aquilina para matamo niya ang lahat ng ito.  "Sisilipin ko kung maaari na tayong lumabas. Ikaw na muna ang magbantay kay Aquilina," wika ko tapos mabilis na kumilos. Naiiyak na ako, paniguradong nasa labas na ang sundo namin kaya kailangan kong humingi ng tulong kay ama. Para kung sakaling may mga mangilan-ngilan pang mag-aaral, hindi nila masasaktan si Aquilina. Nagkaroon ako ng pag-asa noong wala na akong madatnan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD