MILDRED "Tao po? Edgardo?" Nakailang beses na akong tawag ngunit wala akong makuhang sagot. Inikot ko ang buong bahay at mukhang wala ngang tao sa loob. Saan naman kaya nagsipunta ang mga tao rito? Pati iyong ale ay mukhang wala rin. Pinihit ko iyong seradura ng pinto ngunit sarado iyon. Sinubukan ko iyong sa likod, sa kabutihang palad, nakakasabit lang ang kadena sa pako sa loob kung kaya't may tyansa na makapasok ako. Dahan-dahan ko iyong inangat, tinanggal sa pagkakasabit iyong kadena. Noong matanggal ay walang patumpik-tumpik kong binuksan ang pinto. Madilim ang paligid, malansa rin ang hangin. Tinakpan ko ang aking ilong dahil grabe ang baho. "Anong nangyri rito?" tanong ko. Hinanap ko kung nasaan ang switch ng ilaw dahil madadapa ako sa nagkalat na gamit. Noong matagpuan, nanl

