AQUILINA Abot-abot ang ligayang nadarama ko noong napapayag ko rin ang laybrariyan na pahiramin ako ng kaniyang oras. Mabuti na lang at may pwedeng pumalit sa kaniya sa pagbabantay dahil kung hindi, kahit ilang beses akong magmakaawa ay hindi niya ako pagbibigyan. Nalaman ko na mayroon pa lang atraso sa pamilya nila ang pamilya ni Crisostomo kaya noong malaman niya ang pangalan ko, kaagad na sumagi sa kaniya ang mga Ibarrientos. Kalat sa buong baryo nila ang relasyon naming dalawa. Ang malala pa, usap-usapan din daw na lahat ay imbitado sa nalalapit naming kasal ni Crisostomo. Hula ko, pakana iyon ni Crisostomo mismo dahil wala na akong maisip na iba pang hibang maliban sa kaniya. "Pero iyong tungkol po sa sinabi niyong mayroon pong nagawang kasalanan sa inyo ang mga Ibarr

