KAPITOLO 17.5

1846 Words

EDGARDO Pagkarating ko sa bahay, inaasahan kong mapapagalitan ako ni ina dahil sa itsura ko. Hindi pa man ako nakakapasok, rinig ko na ang masasayang tawanan, animo'y may pagdiriwang na nagaganap. Naisip kong sumilip, alamin kung anong nangyayari. Kumapit ako sa bintana, maraming pagkain sa lamesa. Nagtaka ako dahil wala naman akong natatandaan na espesyal na okasyon ngayon araw, paraan saan ang lahat? "Naku! Hintayin na muna natin ang kuya Edgardo niyo, ha? Alam kong gutom na kayo, pero kaunting minuto pa. Panigurado naman akong pauwi na iyon. Baka may kinailangan lang tapusin sa paaralan kaya nagabihan," masayang wika ni ina. Napagpasyahan kong tumuloy na dahil hindi sila magsisimulang kumain hangga't wala ako. Gaya ng inaasahan, gulat na pinagtinginan ako ng aking pamilya. Ibinigay ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD