SALUME "Hanggang kailan mo ako hindi papansinin, Felicio? Sa pagkakaalam ko, ako ay nagpaliwanag na sa iyo kagabi. Wag mong sabihing hindi na naniniwala sa aking salita?" tanong ko habang pinagmamasdan siyang malayo ang tingin. "Naniniwala ako sa iyo. Kailan ko pa pinaghinalaan ang salita ng taong mahal ko?" Sumilay ang maiksing ngiti sa aking mukha. "Kung gayon, bakit hindi ka lumapit sa akin at bigyan ako ng mainit na yakap?" Isa iyong tusong alok. Sa lahat ng taong nakapaligid sa akin, si Felicio ang unang nagpatiklop sa akin. Ayaw kong nagkakaroon kami ng tampuhan na ganito lalo na't tungkol pa sa isang lalaki. Wala akong romantikong relasyon kay Mercado. Siya'y tauhan ko lamang, hanggang doon lang. Sa wakas, inikot na rin nito ang kanyang ulo at binalingan ako ng tingin ngunit hi