BADETH Masaya akong nagwawalis dito sa loob ng bahay dahil alam kong sa mga oras na ito ay nagkatagpo-tagpo na rin sila sa wakas. Bukas balak bumalik nina Edgardo at Mildred. SIla lamang dalawa ang uuwi dahil ilalayo na ni Senyorito Basilio si Aquilina. Masaya ako para sa kanila, ngunit hindi ko pa rin maitatanggi ang makaramdam ng lungkot dahil sa huling pagkakataon man lang bago sila bumukod ay hindi ko makikita ang aking alaga. Nangako naman si Basilio na laging susulat at kapag lumipas na ang panahon, at maaari na nilang ipaalam kung saan sila titira ay idaragdag nila iyon sa liham na kanilang ipapadala. "Badeth, napansin mo ba iyong mga liham na nakapatong sa aking lamesa? Nawawala kasi," tanong ni Donya Salume. Nakasuot siya ng damit pang-alis, sa ganitong oras? Saan naman kaya

