SALUME "Itigil na natin ito, Mercado. Masyado ka nang nawiwili sa pagpapaikot sa ulo ko. Baka nakakalimutan mo, ako ang iyong amo. Hindi ikaw ang pakikinggan ko," ani ko habang minamaneho niya ang sasakyan pabalik. Alas otso na ng gabi, hindi na naman niya tinupad ang kaniyang pangako. Ang sabi niya lang ay magpapasama siya sa aking bumili ng mga kagamitan niya sa bahay, ngunit nauwi na naman sa paglalaro ng laman, ang malala pa ay umabot iyon ng dalawang oras. "Pasensya ka na. Alam mo namang matagal kitang hinangad. Pero kung nais mong gamitin ang aking katawan, alam mo na ang iyong gagawin, Donya Salume." Inirapan ko siya dahil hindi na iyon mauulit pa. Tapos na ang pakikipaglaro ko sa kaniya dahil babalik na si Felicio. Aan'hin ko pa ang init ng kaniyang katawan ko nariyan naman ang

