Kalmado ang karagatan, maaliwalas ang kalangitan. Inagos ng tubig patungong pampang ang walang malay na katawan ni Aquilina, naghihintay na mapansin ng kahit sinong nilalang. Dalawang oras din itong nagpaanod-anod, natuyo na lang ang sugat nito sa ulo dahil sa lamig ng tubig. Mabagal ang kaniyang paghinga, tunay na nasa delikadong lagay ang kaniyang buhay. Salamat sa malamig na simoy ng hangin, ibinalik niyon ang kaniyang ulirat upang magising. Dahan-dahng binuksan ang talukap ng mata, sinipat ang panibagong mundo ng nag-iisa. Sinapo niya ang likod ng kaniyang ulo sapagkat nakaramdam siya ng pagkirot doon noong subukan niyang bumangon. Dahan-dahan ang kaniyang paggalaw, naluluha dahil hindi pamilyar sa kaniya ang nakikitang tanawin. "Tulong! Tulungan niyo po ako!" pagtawag niya. Matagum

