Sa loob ng marangyang mansyon, tahimik na nagbabasa ng tabloid ang bagong hirang na Don ng pamilya Ibarrientos. Sa kabila ng maganda nitong panlabas na anyo, nagtatago sa loob ang kanyang inis dahil sa maingay na tunog ng telepono. Hinihintay niyang kunin iyon ng katulong nang makapagbasa na siya nang maayos. "Don Crisostomo mayroon pong tawag para sa inyo." Nanginginig ang kamay ng katulong habang hinihintay nitong kunin ng kanyang amo ang telepono. Kung titingnan, nasa labingdalawa pa lamang ang edad nito. Batang-bata pa ngunit kailangan nang maghanap buhay para may maipangtustos sa pamilyang naiwan. CRISTOMO "Criscentia, wala ka bang utak? Bakit mo ako tinatanong kung ano ang dapat mong gawin sa sitwasyon mong iyan? Pinapauwi ka ni Basilio pabalik dito, susundin mo ba? Hindi ako na