AQUILINA MALUNGKOT ang mukha ni ama no'ng datnan namin sa bahay. Tiningnan ako ni Ignacio, wari'y nagtatanong kung ayos lang ba na kausapin niya ito ngayong gabi. Sumama ito sa amin dahil ang balak niya, isabay na sa pagdakip kay Crisostomo si ina. Tutal naman, nakapiit na si Don Dante at Don Crisanto, wala nang dahilan para pahabain pa ang kanilang kalayaan. "Ako muna ang kakausap. Dito muna kayo nina Basilio sa balkonahe," wika ko. Tumango siya't nagpaalam ako sa aking mga kaibigan. Nilapiitan ko ito't tinawag ang kaniyang atensyon. Medyo nagulat siya noong makita ako sa kaniyang harap bago ibaling ang tingin kina Basilio na nasa salas. "Ama, iniisip mo pa rin ba ang sinabi ni ina noong siya'y magtungo rito?" tanong ko. Huminga siya nang malalim, tumayo sa kinauupuang lumba-lumba at i

