DONYA SALUME ALAM kong malalim na ang gabi dahil nakakaramdam na ako ng antok. Mayroong busal ang aking bibig kung kaya't hndi ako makahingi ng tulong.Iniwan ako ni Mercado na nakatali ang kamay at paa. Base sa pag-uusap nila ni Crisostomo ay pupunta sila sa bahay at kukunin ang aking mag-ama. Habang mag-isa ay sinubukan kong kumawala, ngunit napakahigpit ng pagkakatali ni Mercado sa aking kamay. Nakahiga ako sa sahig, mahirap kumilos. Kahit imposible, ginawa kong lahat ang aking makakaya at magagawa. Sinubukan kong gumapang patungong kusina para maghanap ng kahit anong matulis na bagay. Hindi pa man akoo nakakakalahati, bumukas na ang pinto. Nanginig ang aking katawan noong marinig ang mga yabag ng paa. "Salume! Nasaan ka? May dala akong pasalubong sa iyo," tawag ni Mercado. Kung kanin

