Maligamgam na ang simoy ng hangin. Malapit nang kumagat ang dilim, isang indikasyon na magsisimula na ang isa na namang enggrandeng kaarawan ng natatanging heredera ng pamilya Rimas. Katulad ng mga nakaraang taon, tanging ang mga tao lamang na imbitado ang magsasaya. Syempre hindi mawawala ang mga trabahador at mga elitistang tsismis ang puhunan upang makaangat sa tatsulok ng kasikatan. Talagang sila ang prayoridad ni Donya Salume dahil ngayong gabi ang gabi kung saan ibababa ng dalawang pamilya ang kanilang basbas para sa magkasintahang Aquilina at Crisostomo. Hindi na iyon lingid sa lahat ngunit paniguradong magugulat pa rin ang mga panauhin dahil pagdating sa mga ganito, hindi maaaring mawalan ng surpresa si Donya Salume. Kung dati-rati sa sariling lupa lamang ng mga Rimas ginaganap a