Noong magkaroon ng supling ang mag-asawang Felicio at Salume, ang mga taong malapit sa kanila ay nagdiwang. Dahil nakamtan na nila noon ang karangyaan, nais nilang maging perpekto ang lahat para kay Aquilina. Mayroong paniniwala sa Carmona na ang unang supling ay kailangang ipahula sa pinakamatanda sa lugar. Hindi nakaligtas sa pamahiing iyon ang pamilya Rimas sapagkat ang hindi raw sumunod, kapahamakan ay susunod aty susunod. Dala ng takot at pangamba na baka magkatotoo ang kamalasang matatamo kung hindi nila ipapahula si Aquilina, nagmadali sina Felicio at Salume na hanapin ang pinakamatanda noon sa baryo Milagrosa. Magkahawak-kamay silang umaasa na magandang balita ang maririnig dahil para sa kanila, si Aquilina ang dahilan ng kanilang pag-angat sa buhay. 'Ang batang ito ay magigi

