Lumabas na sa silid si Aquilina. Magkahalong tuwa at kaba ang lumalamon sa kaniyang dibdib. Masaya siya noong masabi kay Donya Salume ang mga salitang matagal niyang kinimkim. Para sa kaniya, natanggalan siya ng malaking tinik sa dibdib, nakalabas ang lason sa kaniyang lalamunan. Mabilis ang kaniyang mga paa na kalauna'y natigil noong makasalubong si Crisostomo na nakapameywang. Nagbago ang hugis ng kanilang mga labi. Ang isa ay umiksi, ang isa naman ay umangat. AQUILINA Ha! Kakatapos ko lang pagtagumpayan ang pakikipagbuno ko kay ina tapos ngayon ay susubuking muli ako ng maykapal. "Aquilina, tapos na kayong mag-usap ni Donya Salume?" tanong nito. Bahagyang lumapit si Crisostomo, mayroong pag-aalinlangan dahil sa ekspresyon na bumungad sa kaniya, isang bagay na hindi niya inaasahan

