KAPITOLO 47.5

1878 Words

AQUILINA "Sagutin mo, Basilio... parang-awa mo na. Hindi ko alam kung patuloy pang maninirahan sa akin ang aking katinuan pagkatapos ng nangyari." Abot-abot ang kabang tinatamasa ko ngayon. Pilit kong iwinawaksi ang pangitain ngunit hindi ako niyon nilulubayan. Kinakain ako ng takot, ng kaba. Paano ako uuwi ngayon? Saan ako tutuloy? Masyadong malayo ito sa bahay nina Mildred o kay Edgardo. Saan ako tutungo para magpalipas ng gabi? "Aquilina? Tunay nga bang ikaw iyan?" Hindi ko na napigilan ang humagulgol noong marinig ko ang boses ni Basilio. Tinanong niya ako kung ano ang nangyayari, bakit ako lumuluha gayong kaarawan ko ngayon. "Basilio..." paulit-ulit kong tinawag ang kaniyang pangalan. Ang dami kong dapat na isumbong sa kaniya ngunit naglaho ang lahat at ang alam na lamang banggi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD