ISANG linggo ang lumipas, ito na ang araw kung saan nakatakdang ilitis sa hukuman si Don Dante Valencia. Marami ang dumalo upang maging saksi sa magiging takbo ng laban. Hindi mawawala ang kampo ng mga Rimas at Ibarrientos na magbibigay ng suporta sa akusado. Samantala, sa panig naman ng oposisyon ay kampo nina Aquilina ang makikita. May mga sibilyang nakiusyoso, hinahanap kung nasaan si gurang na Alvarado. Wala ni isa sa pamilya nila ang sumipot, kahit na kaibigan silang matalik ng mga Valencia. "Sa araw na ito, lahat tayo'y nagkatipon upang pakinggan ang dalawang panig. Ang nasa upuan ng paglilitis ay si Ginoong Dante Valencia, isang malaking negosyante na nagmamay-ari ng plantasyon ng alak. Inaakusahan ni Ginoong Ignacio Perez sa salang pagpatay sa kapilas nitong si Eutequia Ynarez Val

