CRISCENTIA "Sigurado ka na ba sa gagawin mong ito, anak? mayroon ka pang oras para tumalikod," ani ina. Umiling ako dahil pagod na akong magpauto. Pagod na akong ipaglaban ang nararamdaman ko. Muntik nang mawala ang anak ko sa akin dahil sa aking kahibangan. Kung may pagkakataon pa ako, gagamitin ko na iyon para sa aking sarili, para sa aking anak. "Buo na po ang desisyon ko, tatanggapin ko ang alok sa akin ni Don Ignacio. Maganda ang kaniyang inilahad na plano, isa pa... hindi ba't nais niyo ring magbagong buhay? Hindi niyo lang magawa dahil hindi kayo binibigyan ng pagkakataon ni ama. Ito na iyon, ina. Ito na ang tamang oras para linisin ang inyong ngalan, ang inyong imahe." Iniyuko niya ang kaniyang ulo dahil mayroon pa rin siyang pag-aalinlangan. Mahal niya si ama kahit na sapilita

