EUTEQUIA Nakarating na ako sa bahay. Ang tanging sumalubong lang sa akin ay si Dante kung kaya't imbes na matuwa, nagtaka ako. "Nasaan si Basilio?" paunang tanong ko sa kaniya. Imbes na sumagot kaagad ay tinitigan lang ako ni Dante. "Maupo tayong dalawa, Eutequia at marami akong sasabihin sa iyo," ani ya, hindi sinagot ang aking tanong. Tinubuan ako ng kaba, mas lalong lumaki ang paghihinala sa aking dibdib. Naupo nga kami. Nalukot ang noo ko noong makita ang paperbag na nakapatong sa upuan. Kinuha ko iyon, sinipat at iniangat. "Kanino itong traje de buda, Dante?" tanong ko. "Ibalik mo iyan dahil paniguradong naiwan iyan ni Criscentia dahil nagpunta ito kanina, dinalaw si Basilio. Nagkasundo na kami ni Don Crisanto, magaganap ang kasal ng mga anak namin sa darating na linggo. Mayroon

