KAPITOLO 23: GUSTO KITA

1657 Words

Pasado alas otso na ng gabi, patungo na sa mansyon ng mga Valencia sina Aquilina at Mildred. Mabigat ang hangin sa kanilang pagitan, ngayon lamang sila hindi nagkibuan. Gustuhin man ni Mildred na mauna, wala siyang mahanap na salita para basagin ang katahimikan. "Ayos lang ba kayo?" tanong ni Apollonio. Mukhang napansin niya na malamig ang tingin ng dalawang babae sa kanyang likod, nais niyang malaman kung ano ang problema. "O-Opo," nag-aalangang sagot ni Aquilina. "Kumusta ang pagkikita niyo ni Senyorito Crisostomo? Nagustuhan mo ba ang ugali niya?" patuloy na pag-usisa ni Apollonio. "Uhm, hindi ko po alam dahil hindi naman po sila nagtagal sa bahay dahil nga may lakad po ako ngayong gabi." "Gano'n ba? Mukhang hindi mo nais magpatali sa lalaking iyon, Senyorita." Nanlaki ang mga mata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD