MILDRED Pagkatapos akong putaktihin ni Basilio sa kanyang mga tanong, sinadya kong paunahin siya dahil nais kong makausap si Donya Eutequia. "Magandang gabi po ulit," panimula ko. "Oh, hindi ka pa ba pupunta sa silid ni Basilio? Nais mo bang ihatid pa kita?" Umiling ako tapos sinabi sa kanya na nagpaiwan talaga ako. "Donya Eutequia, mahal niyo po ba ang asawa niyo?" tanong ko. Naging malikot ang mata nito, halata rin ang kanyang pagkagulat. "O-Oo naman. Hindi naman kami magsasama kung hindi ko siya mahal, hindi ba? Bakit mo naman naitanong?" "Hmmm...wala lang po. Gusto ko lang pong malaman para mapanatag po ang loob ko." "Eh? Bakit? May gumugulo ba sa isipan mo, Mildred?" Sasabihin ko ba sa kanya? Nangangati ang dila ko na sabihin para na rin siya na mismo ang kusang lumayo kay p