KAPITOLO 24: PAGKIKITA

1653 Words

EUFRECINA Maaga akong gumising ngayon dahil magtutungo kami sa lupain upang gapasin na ang palay. Isang linggo lang ang ibinigay na palugit sa amin ni Donya Salume, kaya pinagpaliban ko muna si Edgardo sa kanyang klase upang tumulong. "Dalhin mo na ang binalot natin. Sa iyo naman iyong tubig at dadalhin ng ama niyo ang gapas," utos ko sa dalawa kong binata.  Habang binabagtas namin ang lupa patungo sa sakahan, lumapit sa akin si Edgardo. Hindi ito kumikibo ngunit panay ang kanyang tingin. Paniguradong may nais itong sabihin ngunit inunahan na naman ng pag-aalangan. "Ano iyon, Gardo. Sabihin mo na dahil walang mangyayari kung hindi mo iyan ilalabas,"payo ko.  "Eh...ina, maaari po ba akong makahiram ng pera sa inyo? K-Kung maaari ay bente pesos po sana," nahihiya nitong ani. Nagsalubong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD