EDGARDO Sa ilalim ng tirk na araw, kulay asul at mataas na kalangitan. Pawis ang katawan sa kakatakbo, ayaw magpatalo sa kalaban. "Hala! Madaya! Natapik ko na sa likod si Edgardo bakit ka pa gumalaw, Junior?" "Wala naman akong naramdaman, Boy. Itanong mo pa kay Nanding. Di ba, hindi naman niya ako nataya?" pangungumbinsi ko sa isa ko pang kakampi. "Aba malay ko, hindi ko nakita. Nakatingin ako ro'n sa babaeng kanina pa sa iyo nakatitig. Balak ka atang kausapin, Gar. Kilala mo ba iyan? Mukhang mayaman. Ibang klase ka talaga. Jackpot!" Sinundan ko kung saan ito nakatingin. Kumunot ang noo ko, pinunasan ang pawis na namumuo sa aking noo gamit ang braso. "Anak iyan ni Don Crisanto Alvarado, hindi ba, Gar?" tanong ni Junior. Tumango ako pero ano naman ang ipinunta niya rito? "Puntahan