EUTEQUIA 'Mayroon daw kumakalat na bali-balita na bukod sa anak mong si Basilio ay iba pang anak si Don Dante sa ibang babae. Ikinuwento sa akin ni Donya Emiliana. Hindi ba't malapit na magkaibigan ang mga asawa ninyo?' 'Ang suhestyon ko sa iyo, Donya Eutequia, kumprontahin mo iyang asawa mo dahil isang malaking pulutan para sa mga chismosa iyan. Alam mo naman, kahit hindi makatotohanan at walang matibay na basehan, basta kilala sa ating lugar ay kanilang papalagan.' HINDI ako mapakali. Mag-aala-singko na ng gabi ngunit nakahiga pa rin ako rito sa kama. Pagkatapos kong mamili ng damit na susuotin at regalo para sa kaarawan ni Aquilina, napagpasyahan kong magpahinga dahil pinuno ng tanong ang aking isipan matapos kong marinig mula kay Donya Agatha ang kwento na ibinahagi sa kanya ni Dony