"Ikinagagalak kong nakadalo kayo. Naua'y magustuhan ninyo ang espesyal na pagdiriwang na ito." KABILUGAN ng buwan, nagtatago ang mga kawatan. Sa ilalim ng maliwanag at malawak na kalangitan, lahat ng nasa loob ng kawan ay masaya't nagkakamustahan. Halos mapuno ang lupang bakuran ng pamilya Rimas sa dami ng mga dumalo. Kung tatantiyahin, aabot sa mahigit isandaang nilalang na mayroong gintong kutsara sa bibig at isandaang mga trabahador ni Donya Salume; kasama na roon ang pamilya Tungpalan. "Edgardo, anak. Nasaan na ang iyong ina? Kanina ko pa siya hinahanap, aba'y hindi ko mahagilap," tanong ni Edming habang inililibot ang kanyang mata, desperado na mahanap ang asawa nitong si Eufrecina. Hindi muna kumibo si Edgardo. Tumayo ito sa kanyang inuupuan, sinamahan nito ang ama sa paghagilap