Hindi pa man tuluyang bumabangong ang haring araw ay abala na kaagad ang pamilya Rimas sa paghahanda para sa nalalapit na kaarawan ng kanilang unica ija. Nais nila na maging perpekto ang lahat. Nasasabik sila dahil ito ang taon para makapili sila ng mapapangasawa nito. "Ito na ang lahat ng mga binata na kasing edad ni Aquilina. Buhat sila sa mayayamang pamilya kaya nakakasiguro akong lumaki silang may mabuting asal. Hahayaan kitang pumili ng lima, iyong matitipuhan mo ang siyang kikilatisin natin sa araw ng kaarawan ng ating anak," wika ni Donya Salume sa kanyang kapilas pagkatapos na ilatag sa makintab na mesang gawa sa nara ang mga litrato. Umiling si Don Felicio dahil hindi siya sang-ayon sa bagay na ito, ngunit hindi rin siya makahindi dahil nais din niyang magkaroon ng mabuting buha