BASILIO Walang mapaglugaran ang galit sa aking katawan noong aminin sa akin ni dad kung bakit kami naparito sa Hospital. "Pumasok ka na, Basilio kanina ka pa hinahanap sa akin ni Crescentia," utos nito. Pangatlong beses niya na itong sinabi sa akin. Nakaupo lamang ako sa labas, hinayaan itong pumasok na mag-isa. Ngunit mukhang natunugan na ni Crescentia na kasama ako ni dad kaya imposibleng palagpasin niya ang pagkakataong ito. "Sige na nang makauwi na tayo. Ngumiti ka lang sa kanya, batiin sa kanyang paggaling tapos sabihan mo lang ng matatamis na salita bago magpaalam," pangungulit ni dad. Umirap ako dahil mukhang kailangan ko munang pagbigyan ang laki sa layaw na babaeng iyon bago ako makatakas sa bangungot na ito. "Fine," labas sa loob kong tugon. Inayos ko ang aking sarili nang hi