“DOS”

904 Words
~Brena~ "Pak! Isang malakas na sampal ang sumalubong sa kanya pag kapasok pa lang ng gate ng bahay nila.Nagulat siyang napahawak na lang sa kaliwang pisngi niya kung saan ito nasaktan.Nilakasan niya ang loob na huwag umiyak sa harapan nito dahil matutuwa lang ito pag nakitamg umiiyak siya. "Malandi ka,sino yung naghatid sayo ha?nanlilisik nitong tanong sa kanya. "Nanlalaki kana kaya ka na late sa pag uwi mo imbis na tulungan mo ang mga katulong para sa gagawing party mamaya pero ito naglalandi ka? "Kaibigan ko po madam,at Pasensiya na po,hindi na mauulit" wika niya dito at tinalikuran na ito ngunit hinablot pa rin siya nito at hinarap. "Pag kinakausap kita wag mo akong tatalikuran,punyetang babae ka! Ito tandaan mo! dinuro siya nito sa nuo,"ayaw na ayaw kung makita ang pagmumukha mo mamaya sa party ng anak ko,"sigaw nito sa mukha niya na halos naligo pa siya sa nagtalsikan na laway sa mukha niya.Kadiri naman ito. "Opo madam! Tinalikuran na siya nito nakasunod na lang ang tingin niya dito parehas lang ang mga ito ng ugali. Kung may kakayahan lang sana siya na lumaban sa mga ito pero hindi pa siya nakapagtapos kailangan pa niya munang makagraduate bago magawa iyon. Tumulo na ang luha niya ng tuluyan ano pa nga ba magagawa niya sa ngaun kundi umiyak at tiisin ang mga pinag gagawa ng mga ito sa kanya. "Oh ano nangyari sayo? Salubong ng yaya niya. "Wala po! Tangging sagot niya dito. "Naku ikaw na bata ka ako pa ba paglihiman mo"anito pa na kinuha ang palad niyang nakasapo sa pisngi."sino naman ang nanakit sayo?galit pa nitong dugtong nang makita sigurong namumula ang pisngi niya. "Hayaan niyo na po nay,pasok na po ako sa loob"masama man ang loob niya wala siyang mapagsabihan kundi ang mga ito lang na tanging pamilya aNg turing sa kanya. "O siya pumasok kana duon at may niluto ako sa inyo ng kaibigan mo na meryenda at may pupuntahan ako sandali. Pumasok siya sa loob at naabutan niya ang kaibigan na kumakain ng pansit.Nakiupo na rin siya dito at kumuha ng platong nanduon at sumandok tinitingnan lang siya nito na parang nagtataka. "Anyare bes? Dina nakatiis at tinanoNg na talaga siya tumayo pa ito at umikot ikot sa kanya.Kaya inirapan niya ito ng todo na ikinatawa naman ng kaibigan. "Kainis ka bes"naiiyak na naman siya."pwede ba pakainin mo naman ako ng pansit ang sarap oh"turo pa niya sa plato. "Tse,nagpatalo ka naman sa mga bruha"naiinis nitong sabi."hayaan mo beshy pag nakatapos na tayo aalis na tayo dito sabi ni nanay at iwanan na natin ang mga demonyo dito sa bahay". "Hindi ako pwede umalis dito bes,iniwan to sakin ng mga magulang ko kay dapat akong manatili dito."malungkot niyang saad. "Naku naman beshy,layasan muna sila noh,"kontra pa nito."maintindihan ka na ng mga magulang mo,at saka hanapin mo si Attorney yun lang makakatulong sayo,pag andito ka hindi mo magagawa yun at tyak naman ako pag umalis ka dito matutuwa ang mga iyon". "Ewan ko beshy,hindi ko kaya at wala akong mapuntahan na iba?nag alala miyang sabi. Binatukan siya nito bigla na ikinagulat niya pa. "Kami di mo pamilya,baka gusto mo ng malakas na batok para malaman mo pa"nakangiti ito ng malapad sa kanya. Nang makarinig sila ng malakas na sigaw. "Poorita? Nagkatinginan na lang sila ng kaibigan sa sumigaw. Kaagad siyang lumapit sa pinsan nang may binato ito sa mukha niya. "Plantsahin mo yan at isusuot ko mamaya,ayusin mo at mahal pa yan sa buhay mo" nakaismid nitong saad. "Opo,senyorita"saka tumalikod na siya. "Naku bes ha,ang sarap sabunutan lang"nanggigil nitong saad. "Yaan muna bes". "Masyado ka lang mabait kasi kaya ginaganyan ka ng bruha na yan,lumaban ka kasi"panggagatong pa nito. "Wala naman tayo magagawa beshy kaya pabayaan mna magbabago din yan"aniya na lang dito. "Hmmp,kung ako yun naku isubsob ka yan sa bagong labas na tae ng kalabaw kainis grrr." "Hay naku beshy kawawa lang tayo pag nilabanan pa natin yun alam mo naman na ang mangyayari tyak sa ating lahat jan ka nga at plntsahin ko pa tong damit ni bruha"sama iniwanan ang kaibigan niyang nanggigil sa inis. Ipagdadasal na lang niya na sana makita na niya si Attorney at maitanong dito ang mga papeles na iniwan sa kanya. Pumasok siya sa laundry room nila at inumpisahang plantsahin ang damit nito.Simula ng mamatay ang mga magulang hindi na siya nakasuot ng mamahaling damit tulad nuon. Kung may okasyon man sila sa eskwelahan puro ukay-ukay na lamang amg kaya nilang bilhin na magkaibigan. Pero wala siyang reklamo duon hindi naman siya mahilig nuon ng mga mamahalin ang mga magulang lang niya ang nagbibigay sa kanya. They spoiled her too much kaya nang magkasabay ang mga itong namatay para na din siyang namatay kasama ng mga ito.But she needs to live her life hindi pwedeng mawalan siya ng pag asa. Tumulo na naman ang mga luha niya pag naiisip ang mga paghihirap niya sa pamilya ng tiyuhin niya.Ni minsan hindi niya matawag na kapamilya niya aNg mga ito kung ituring siya ay ibang tao. Matapos niyang plantsahin ang damit nito ay umakyat na siya sa taas para ibigay kay Martina. Minsan naiisip din niya siguro kung buhay ang mga magulang niya masaya din siya ngaun kasama ang mga ito.Naiinggit siya sa mga kaibigan na buo ang pamilya ng mga ito.Pero wala siyang sisihin kung maaga ng mga ito nawala. Shes thankful na lang na anjan ang yaya niya na gumagabay sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD