BUMANGON SI MANOLITO at dinulogan si Paloma. Sinipat nito ang braso ng dalaga na nasugatan. Marami-rami ang malilit na hiwa nito sa braso. Mabuti na lamang at may manggas ang suot nitong damit. Isang kapansin-pansing hiwa sa dibdib nito ang nagpatigil sa kan’ya. Umaagos ang dugo nito mula sa maliit na hiwa. Napabalikwas siya sa nakita at agad kumuha ng bimpo. Ididiin niya na sana iyon sa parte na dumurugo ngunit pinigilan ito ni Paloma.
“Huwag!”
“Patawad. Heto idiin mo riyan. Mabilis ang agos ng dugo.”
“Salamat.”
Nawala sa isip niya na maselang parte iyon ng kaibigan. Kapagkuwan ay kumuha siya ng damit pang-itaas sa kaniyang drawer at dyaket. Damit iyon na galing kay Leandro.
”Maligo ka muna sa likod bahay. Heto ang isuot mo. ‘Wag ka mag-alala ‘di ko pa ‘yan nasusuot. Regalo ang mga ‘yan ni Leandro noong pasko. Dito ka lang pupunta ako sainyo at kukunan kita ng damit.”
Sumilay ang mumunting ngiti ni Paloma. Bagaman mahirap sila. Ugali ni Paloma na hindi manghiram ng gamit ng iba. Ayaw na ayaw nito na magsusuot ng mga damit na hindi kaniya. O gumamit ng mga bagay na hindi niya pag-aari.
Hindi katangkaran ang kaibigan niya ngunit hindi matatawaran ang ganda ng hubog ng katawan nito na parang modelo ng Tanduay. Ang mukha nitong parang manika ay may mapupungaw na mata, makapal at natural na balod na pilikmata. Ang kilay nitong angkop na angkop sa maliit ngunit matangos nitong ilong at napakapulang maninipis na labi.
Kay suwerte ni Leandro kay Paloma dahil ito ang inibig ng dalaga. Ngunit bakit iyon nagawa ng kaibigan? Ipagtanggol man ni Paloma si Leandro na hindi iyon panghahalay ganoon pa rin iyon dahil pinilit nito ang sarili sa dalaga.
“Magigising si nanay, Lito,” paalala nito.
“Matagal na tayong tumutakas mula pa pagkabata sa pamamagitan ng bintana. Ngayon pa ba? Isperto na yata ako maging akyat bahay ng dahil sayo.”
“Nagbibiro ka pa riyan. Nakikita mo ba ang itsura ko? Mabuti na lamang na ka maong akong pantalon. Kung hindi pati binti ko hiwa-hiwa na. Paano ako makakapasa sa Japan nito?”
“Huwag mo na nga muna isipin ang pangingibang bansa mo.Kailangan natin magamot iyang mga sugat mo.”
“Alcohol at band-aid na lang. Okay na ako.”
“Hindi, Paloma. Huwag matigas ang ulo. Maligo ka na. Pagbalik ko aalis na tayo. Idaraan muna kita sa hospital. Mag-isip ka ng idadahilan sa mga hiwa mo na ‘yan.”
“Anong sasabihin ko sa doktor? Na-kawani ako sa isang palabas ng madyik at pumalpak ang punyal tumama sa aking dibdib?”
“Oo, kahit ano. ‘Wag mo lang banggitin ang totoo.”
“Sasabihin ko ba, ‘Dok katulong ho ako sa salamangka ngunit na mahika ako. Heto nagkanda hiwa-hiwa ako,” sarkastiko nitong biro.
“Oh, siya. Alis na ako. Alam mo naman ang daan sa banyo.”
* * *
UMIBIS NA SI Manolito at parang magnanakaw na nagakyat bahay sa may silid ni Paloma. Tulog na tulog ang mga kapatid nito. Kapansin-pansin na wala ang mga magulang ng dalaga. Inabot niya ang itim na napsak na nakasabit sa dingding. Sinipat niya pa kung alin sa limang drawer ang mga damit ni Paloma. Iyong sa pinakailalim ang mga gamit nito.
Ilang pares ng damit ang sinuksok niya sa napsak at kumuha rin ng mga damit pangloob. Natigilan si Manolito sa paghawak sa bra ni Paloma. Bakit ang laki naman yata noon? Size 36 or 40 ba siya? Kaya pala gustong-gusto ni Leandro na halos luwa na ang dibdib nito. Subalit galit ito na makita ang kaibigan na halos wala ng saplot. Samantalang siya ay ipinagmamalaki ang kagandahan nito. Walang dapat itago si Paloma. May karapatan naman itong magpakita ng laman kung iyon ang nais ng dalaga.
Ilang sandali ang lumipas may narinig siyang ungol na nagmumula sa salas ng bahay nila Paloma. Kurtina lamang ang nagsisilbing tabing sa kuwarto at salas ng bahay nito. Aalis na sana si Manolito ngunit narinig niyang muli ang papalakas na ungol. Laking gulat nito na makitang may ibang kaniig na babae ang ama ni Paloma.
Bakit ba nagtitiis si Aling Unding? Napakamartyr niya naman. Nakaupo ito sa tapat ng dalawa habang nagtatalik. Tila ba nag-live show at ang ina ni Paloma ang manonood. Gaano na ba kabaloktot ang utak ni Mang Dolfo? Mabuti na lamang at mga lalaki ang mga kapatid nito maliban kay Joy at Lenlen.
Ngayon mas naiintindihan niya ngayon kung bakit porsigido si Paloma makapuntang Japan. Parang ninja sa bilis na tumalon siya palabas ng bintana ng maulinigan ni Mang Dolfo ang mumunting kaluskos ng kaniyang nagawa. Pagkarating sa bahay nakabihis na si Paloma.
“Ang tagal mo naman, Lito. Anong ginawa mo sa bahay? Gising pa ba si nanay?”
Sasabihin na sana nito na gising pa ang ina nito ngunit iba ang sinabi niya,” tulog sila ngunit gising ang tatay mo.”
“May narinig ka bang ungol?”
“Huh? Wala. Wala naman.”
“Sinungaling! Ganitong oras gising si nanay. Nanood sa pagsiping ni tatay sa kalaguyo niya. Hindi mo ba alam doon nakapisan sa bahay ang kabit niya?”
“Kaya ba madalas kila na Noah ka nakikitulog sa umaga?”
“Oo, mas mabuti ng maging bantay ni Ethan at Imang kaysa naman makita ang pagmumukha ng kabit ni tatay. Makautos akala mo donya. Samantalang ang nanay ko magkanda kuba na kakalabada. Ang kabit ni tatay nakahilata lang maghapon.”
“Paano iyon natitiis ng nanay mo?”
“Ewan ko. Kung ako si nanay nilayasan ko na si tatay.”
“Nakita mo ba?”
“Oo. Para kasing binabangongot ‘yong malakas na pagungol.”
“Bangongot? Sira ulo ka talaga, Manolito!”
“Ayan, sumilay rin sa labi ang munting ngiti. Mas bagay sayo kaysa kunot ang noo.”
“Paano kaya ako kung wala ka?”
“Hindi kita iiwan, Paloma. Kahit hindi man ako ang piliin mo. Nandito ako habang buhay nakaagapay sayo at kay Noah.”
“Salamat, Lito. Sa lahat lahat. Patawad hindi ko masuklian ang pagmamahal at pagaaruga na noon pa inalay mo sa akin.”
“Wala akong hinihinging kapalit, Paloma. Makita kang ligtas at masaya. Sapat na sa akin iyon. Balang araw matatagpuan ko rin ang babaeng para sa akin.”
“Hanga ko ang kaligayahan mo, Manolito. Sana manatiling lihim ng ating kahapon ang lahat ng nangyari ngayon. Maging ang nangyari sa amin ni Leandro.”
“Hindi ko mapapangako na makakagpigil akong bigwasan si Leandro, Paloma. Mali pa rin ang ginawa niya. Hindi mo na siya kasintahan. Wala siyang karapatang angkinin ka ng sapilitan.”
“Ngunit . . . hindi naman sumatutal na sapilitan. Lito, maniwala ka may kakaiba kay Leandro,” pagpapatuloy nito habang hawak-hawak ang brasong nag-simula na naman dumugo. “Hindi lang siya lasing. Parang naka-droga. Langhap na langhap ko ang amoy ng alak sa hininga niya. Ngunit ipinagtataka ko kailanman hindi ito bayolente kahit na noong naghiwalay kami.”
“Sa palagay mo binigyan siya ng droga ni Arlene?”
“Maari. Hindi niya naman iyon kasintahan ‘di ba?”
“Alam ko nagkakilala sila sa club. Pero nobya? Malabo. Paloma, balak kang pakasalan ni Leandro. Imposible na makipagtalik siya kay Arlene dahil mahal niya ito.”
“Ano iyong nakita ko?”
“Siguro nga tama ka. Na-droga. Kaya pala hindi man lang siya nakipagusap ng matagal sa amin ni Noah. Anong nangyari matapos kayong nagsiping? Sinaktan ka ba niya?”
“Makatapos ng nangyari sa amin parang nahimasmasan si Leandro. Tinanong niya pa ako kung anong nangyari. Hindi niya alam ang kahalayang ginawa niya. Paano nangyari iyon, Lito?”
“Hayop na, ‘yon!” Susugod na sana si Manolito ngunit pinigilan ito ni Paloma.
“Huwag! Hayaan mo na si Leandro. Ikaw lang at ako ang nakakaalam nito. Hinatid niya ako riyan sa kanto.”
“Paano ka nagkasugat-sugat? Si Leandro ba may gawa ng mga ‘yan?”
“Hindi. Hindi siya. Nasundan ako ni Arline. Hindi ko naman alam na magaling pala siya sa pakikipaglaban. Nakakita ako ng bato iyon ang ginamit ko panglaban ngunit mayroon siyang balisong. Sasaksakin niya sana ako. Nakaiwas ako. Pero ito na nahiwa pa rin. Nagpangbuno kami. Kung saan saan niya ako nahiwa. Naitulak ko siya. Naitarak niya sa sarili ang balesong. Lito, napatay ko si Arlene.”
“Hindi mo siya napatay aksidente iyon. Aksidente, Paloma. Aksidente.”
“Pero Lito, anong mangyayare sa akin? Paano si Leandro?
“Tangina naman, Paloma! Puro ka Leandro. Nandito naman ako. Hindi pa ba sapat na dinadamayan kita sa lahat-kahat. Hindi kayo bagay. Tanggapin mo!”
“Mahal ko siya. Patawad, Lito. Mahal na mahal ko siya.”