NATULIRO SI NOAH sa kasalukuyang nagaganap. Tinawag nitong apo si Ethan. Magkamukha sila. ‘Siya ba ang tatay ko?’ Napabulong si Noah sa ere. Tama si Rochelle magkamukha nga sila. Kayumanggi ang kulay ng balat nito samantalang siya ay mestiso. Dumagondong ang kaniyang dibdib. Napako siya sa kinatatayuan ng magtama ang kanilang mga mata. Bakas ang maautoridad nitong awra. Sa boses pa lamang ay mahihintakutan na. Nanginginig man at nanghihina naglakas ng loob si Noah tanongin ito. “Sino kayo?” taas noong tanong ni Noah kay North Echeverria. “Mr. Montfort. Time is essential to me. I don’t particularly appreciate paying employees that are wasting time. Go back to work, and we can talk personal matters after office hours.” Hindi kumibo si Noah sa kinatatayuan.”Gusto kong malaman kung sino kay