KAKAIBA NA ANG awra at tono ng pananalita nito kumpara kanina nang magkita sila. Para itong naging ibang tao.Ang iniwan niyang North Echeverria kanina ay parang kasing bangis ng leon. Ngayon ay nagmistulan itong maamong tupa. ‘Ako lang anak niya?’ bulong ni Noah si sarili. ‘Bakit niya ako hinayaang maghirap kung marangyang buhay pala ang disin sana’y mayro’n ako?’ Kung natagpuan siya nito noon pa disin sana'y may kinalak'hang ina si Ethan.Marahil kaya bigla nalamang naglaho si Molly dahil hinto ito sanay sa hirap. Hindi niya nakayanan ang buhay na mayro’n siya. Isang hampaslupa na halos walang makain kung hindi magdiskarte ng ikalalaman ng tiyan araw-araw. Naalala pa ni Noah ang mga araw na kabilang siya sa mga takatak boys. Silang magkakaibigan. Matapos noon ang eskuwela ay rumaraket