MALATANG-MALATA SA maghapong lakad mula sa kaniyang panayan kay Dixson Samañiego hanggang sa paghahanap kay Paloma. Dumagdag pa ang palaisipan kung bakit biglang naglaho si Manolito. Tila nag-iba rin ang ugali at pakikitungo sa kaniya ni Leandro. Maging si Octavio ay pawang may tinatago rin. Ganoon na ba siya naging abala sa paghahanap buhay at tila wala na siyang alam sa kaganapan sa buhay ng kaniyang mga kaibigan? Ni hindi niya nalaman na mangingibang bansa na pala si Paloma. Paano niya ba makakausap si Paloma? Isang dagdag suliranin na kaniyang dapat bigyan pansin. May ngiti sa mga labi ni Selma at si Ethan naman ay umiindayog sa tuwa hawak ang dalawang tuhog ng inihaw na hotdog. Ang babaw ng kaligayahan ng kaniyang anak. Mabuti na lamang at hindi nababago ang ugali nito kahit na mada