Masinsinang inaral ni Noah ang bawat saklaw ng kontrata na pinapirmahan ni Dixson. Parang may mali sa mga kondisyon. Inakala ni Noah na wala itong interes sa pinadala niyang portfolio patungkol sa Ominous Solstice. Pakiwari naman niya ay pinag-aralan itong mabuti ni Dixson. Hindi pinirmahan ni Noah ang kontrata. “Noreen, ayon kay Mr. Samañiego kung may hindi ak sangayon sa kontrata ay akin itong ipaalam sa’yo. Mangyari hindi ito pabor sa akin at ang lahat ng nakasaad rito ay pawang pabor lahat sa kumpanya. Ako ang nagmamay-ari ng Ominous Solstice at alam ko na milyon. Bilyon ang ipapasok nitong salapi sa inyong kumpanya. Hindi sapat ang saklaw na kondisyong nakasaad rito.” “Ano’ng gusto mong ipabago?” tanong ni Noreen rito. “Binibigay ko ang aking permiso sa SamTel upang magproduce ng O